School Building sa Bauan Pinasinayaan

Pulong para Mabuo ang Batangas Provincial CBMS Coordinating Board Isinagawa
April 16, 2022
Invitation to Submit Quotation (Shopping)
April 18, 2022

April 16, 2022

Pinangunahan ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang pagpapasinaya ng proyekto nitong 2-storey, 4-classroom school building sa Manghinao Elementary School (MES) sa Bayan ng Bauan, Batangas noong ika- 8 ng Abril 2022.

Isa sa pinagtutuunang-pansin ng administrayon ni Gov. DoDo Mandanas ang edukasyon kaya binigyang-diin nito sa kanyang mensahe na magpapatuloy ang pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga guro at estudyante lalo na ngayon na unti-unti nang nagbabalik ang face-to-face classes.

Binisita rin ni ng mga taga-Kapitolyo ang 2-storey, 8-classroom school building sa Bolo Elementary School, na sakop din ng Bayan ng Bauan.

Kabilang sa mga nakibahagi sa pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste, 2nd District Board Member Arlene Magboo, 2nd District Board Member Wilson Rivera, Bauan Mayor Ryanh Dolor, Bauan Vice Mayor Bojie Casapao, Provincial School Board Secretariat Head Gina Ferriols, at Provincial Engineer Gilbert Gatdula.

Naging kinatawan naman ng MES si Ginoong Aldrin Hernandez, school principal, at Parent-Teachers Association President Catherine Manalo.

Jayne Elarmo – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.