Pulong para Mabuo ang Batangas Provincial CBMS Coordinating Board Isinagawa

Request for Quotation – Purchase and Delivery of One (1) unit Milking Machine for Batangas Dairy Cattle Production under PRDP-IREAP
April 13, 2022
School Building sa Bauan Pinasinayaan
April 16, 2022

April 16, 2022

Pormal na nagpulong para sa muling pagbubuo ng Provincial Community-Based Monitoring System (CBMS) Coordinating Board ang mga kinatawan ng mga tanggapan sa Lalawigan ng Batangas na tatayong miyembro ng nasabing konseho sa Provincial Planning and Development Office, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-6 ng Abril 2022.

Sang-ayon sa mandatong nakasaad sa Republic Act No. 11315 o CBMS Act of 2019, ang pagbuo ng Batangas PCCB ay isang konkretong hakbang upang magawang institusyunal ang CBMS sa bawat local government unit (LGU) sa bansa, at gawing magkaka-ugnay ang data collection at base sa lahat ng LGUs.

Pangunahing pinagtalakayan ang magiging partisipasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 2022 CBMS roll-out, na nauna nang isinulong ng CALABARZON Regional Development Council (RDC) , na pinangungunahan ni Batangas Gov. DoDo Mandanas, sa pamamagitan ng RDC Resolution No. IV-A 91-2021, na hinihimok ang mga LGU sa Region 4-A na makiisa sa nasabing gawain.

Layunin ng CBMS na mas maunawaan ang kalagayan sa mga barangay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga survey, at pagpoproseso at pagsusuri ng mga impormasyong nakukuha dito. Ang mga nakakalap na impormasyon naman ang magsisilbing batayan ng pagpapasa ng mga angkop na batas at polisiya, at pagpaplano ng mga wastong proyekto na konkretong makatutugon sa mga nakitang pangangailangan ng mga pamayanan.

Tatayong co-chairpersons sa Batangas PCCB ang Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Statistics Officer at ang provincial governor, vice chairperson ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director, at miyembro ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan, national government agencies sa lalawigan, academe, civil society organizations at pribadong sektor.

Pinangunahan ni Ginoong Raul Maximo Tolentino, Chief Statistical Specialist ng PSA Batangas Provincial Office, ang pagpupulong, katuwang si Engr. Evelyn Estigoy, Provincial Planning and Development Office Department Head, na kumatawan kay Gov. Mandanas.

Kabilang sa mga napag-usapan ang mga posibleng maibigay na tulong ng provincial coordinating board, sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan, tulad ng financial assistance sa mga city at municipal governments, publicity and information campaign and communication materials, pagbibigay ng personal protective equipment, at pagpapagamit ng mga sasakyan para sa mga data collectors.

Sa ulat ng PCCB Secretariat, 11 na LGUs sa lalawigan ang nagpahayag nang pakikilahok sa implementasyon ng CBMS ngayong 2022. Ang ibang mga bayan at lungsod naman ay nagsabing kulang pa ang kanilang pondo para maisagawa ang survey at data collection.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.