Provincial Plannning and Development Officer, Nag ulat

Pagpupulong sa pagbuo ng Batangas Provincial Anti-Illegal Fishing Task Force, Idinaos
August 8, 2018
Medical Supplies and Equipment, Consignment System 2018, Pinirmahan
August 9, 2018

August 08, 2018

Sa likod ng bawat pag-unlad, kaakibat ang pagkakaroon ng isang masusi at sistematikong pagpaplano, kung saan ito ay magsisilbing gabay na inaasahang makatutulong upang matamo ang inaasam na kaunlaran.

Kaugnay nito, kasabay ng Lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas na ginanap noong ika-6 ng Agosto taong kasalukuyan, nagbigay ulat ng 2018 mid-year accomplishments ang puno ng tanggapan ng Panlalawigang Tagapag-ugnay sa Pagpaplano at Pagpapaunlad na si Mr. Benjamin I. Bausas.

Naging sentro ng pag-uulat ang iba’t ibang Proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan kabilang dito ang Regional Food Terminal, Batangas Access Zone at Taal Lake Water Development Project kung saan ito ay inaasahang makakapagpalago ng ekonomiya ng Probinsya at higit sa lahat ay ang makalikha ng trabaho para sa tao.

Kabahagi nito, tinalakay rin ang iba’t ibang idinaos na pagpupulong tulad ng pagsasagawa ng Production Planning and Material Control special meeting, pangangasiwa sa Cities Municipalities Competitiveness Index (CMCI) meeting at Provincial Development Executive Committee meeting na makakapagbalangkas sa mga hangarin na nais ipaganap ng pamahalaan.

Samantala, patuloy ang tanggapan kasama ang iba’t ibang opisina ng pamahalang panlalawigan sa pagsusumikap na makahikayat ng dayuhan at lokal na mamuhunan na magiging daan upang mas makilala pa ang lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang maunlad at malagong ekonomiya. – ✐ Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.