Pinsala ni Quinta sa Livestock, Poultry sa Batangas Province Umabot ng Mahigit ₱1M

425 Tons ng Bigas, Ipinagkaloob ng Pamahalaan ng Japan sa mga Naapektuhan ng Taal Volcano Eruption
November 1, 2020
Mga Proyektong Handog ng Batangas Provincial School Board, Isinasagawa
November 1, 2020

November 1, 2020

ProVet Batangas: Tuloy ang Pakikipaglaban Kontra ASF

Batay sa Damage Assessment Report na isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) noong Oktubre 26-29, 2020, nasa halagang ₱1,711,925.00 ang napinsala sa sector ng livestock at poultry sa Lalawigan ng Batangas dahil sa Bagyong Quinta.

Ayon sa datos, ang Lungsod ng Lipa ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa lalawigan, samantala ang bayan ng Malvar at Cuenca ay walang naiulat na pinsala.

Samantala, hindi humihinto ang OPV sa kanilang kampanya sa pagkontrol at paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya, ayon kay Provincial Veterinarian, Dr. Romel Marasigan. Sa huling talang nakalap, may bilang na 934,166 ang apektadong baboy sa lalawigan.

24/7 ang operasyon ng mga checkpoints sa lalawigan, at wala pa ring tigil ang koordinasyon ng panlalawigang veterinary office sa pamahalaang nasyunal at mga local government units kaugnay sa naturang programa, na sang-ayon sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas.

Kaugnay nga nito, pinangungunahan ng OPV ang African Swine Fever (ASF) Technical Working Group (TWG), na bumubuo ng mga hakbang at patakaran upang makontrol ang ASF sa lalawigan. Sinusubaybayan din nila ang pagpapatupad ng mga aktibidad para makaiwas sa ASF, kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng movement control ng baboy papasok at palabas ng lalawigan at mga bayan at lungsod dito.

Umaaksyon din kaagad ang OPV sa mga ulat galing sa mga local government units tungkol sa hindi pangkaraniwang pagtaas sa pagkamatay ng mga baboy. Binibisita kaagad ng mga tauhan ng OPV ang naiuulat na sites upang mabilis na matukoy ang sakit na nakakaapekto sa mga baboy sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga sample ng dugo.

Binibigyan din ng kaukulang pagsasanay ang mga volunteers na mula sa iba’t-ibang barangay ng lalawigan para sa angkop na pagsubaybay at pag-uulat tungkol sa ASF, at mga technicians ng mga LGUs para sa blood sample collection.

Gamit ang nano gold technology, nagsasagawa rin ang OPV, katuwang ang International Training Center on Pig Industry, ng tests sa mga hauling at transport vehicles at mga farm structures, tulad ng crates at feeders, upang makita kung may virus ang mga ito. Isinasagawa ito para sa muling pagpaparami ng mga baboy sa mga nauna nang naapektuhang farms ng ASF.

Patuloy din ang koordinasyon ng OPV sa Provincial Social Welfare and Development Office para sa programang “Cash for Work” kaugnay ng mga depopulation activities at para sa mga farm workers na nawalan ng trabaho.

Bilang pag-iingat din sa laban sa COVID-19, kasalukuyan na ring ipinatutupad ang Online Issuance of Veterinary Health Certificates, Veterinary Clearance, Renewal of Traders Pass at iba pang mga pahintulot sa pamamagitan ng opisyal na website at email address ng Provincial Veterinary Office.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.