Pig Dispersal Project sa ASF-Cleared Areas, Sinimulan ng Batangas Capitol

Health Protocols sa mga International Travellers na Papasok sa Lalawigan, Mahigpit na Mamatyagan
September 10, 2021
Notice of Award – Purchase of 200,000 Rice (packed by two (2) 5 kilos with two (2) eco bag full color print) to be distributed to low income families, no work/job during pandemic and did not received any assistance from National and Provincial Government
September 15, 2021

September 10, 2021

Sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Veterinary Office (ProVet), ang proyektong pig dispersal o pamamahagi ng mga biik sa mga lugar sa lalawigan na idineklara nang ligtas sa African Swine Fever (ASF) o ASF-free noong ika-7 ng Setyembre 2021.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng panibagong panimula ang tinatayang nasa 720 na mga nag-aalaga ng baboy sa iba’t-ibang bayan at lungsod na wala nang naitatalang kaso ng ASF.

60 na mga magbababoy ang makatatanggap ng biik bawat bayan, kabilang ang Lungsod ng Lipa at mga bayan ng Taysan, San Jose, Nasugbu, Rosario at Malvar. Mabibigyan din sila ng feeds, disenfectants, dewormer at mga bitamina mula sa Department of Agriculture – Livestock Division.

Sa mensahe ni Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, sinabi nitong walang maiiwan sa muling pag-angat ng industriya ng pag-aalaga ng baboy sa Batangas, at ibinahaging si Gov. DoDo Mandanas at ang buong pamahalaang panlalawigan ay buo ang suporta sa mga Batangueño hog farmers. Isa aniya sa mga tinututukan ng gobernador ang muling pagpapaangat ng kalidad ng paghahayupan sa lalawigan.

Nagpasalamat naman ang mga recipients ng baboy sa pagbibigay sa kanila ng pag-asang makabawi mula sa mga bumagsak na hanapbuhay. Idinagdag pa ng mga ito na patuloy silang magpapatupad ng Bantay ASF sa kani-kanilang lugar at tuloy-tuloy na susuporta sa lahat ng aktibidad ng pamahalaang panlalawigan.

Nauna nang idineklara ng International Training Center on Pig Husbandry (ITC-PH), na naka-base sa Lungsod ng Lipa, na ang Batangas Province ang kauna-unahang lalawigan sa buong Pilipinas na ASF-free, matapos ang 16 na buwan ng pagpapatupad ng mga hakbang upang mawala ang nasabing sakit ng baboy.

Malaki ang naging epekto ng ASF sa industriya ng babuyan sa lalawigan, na kinikilalang second-largest hog producer sa bansa.

Junjun Hara De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.