PHO: Bilang ng Nagpabakuna ng Booster Shot, Mababa pa Rin

Gov. DoDo, Nakiisa sa 10th LPP General Assembly
March 5, 2022
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa World Wetlands Day
March 5, 2022

March 5, 2022

Bagaman at umabot na sa 73.15% ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine sa Lalawigan ng Batangas, nananatiling mababa naman ang bilang ng mga nabakunahan ng booster shot na umabot pa lamang sa 12.2% ng populasyon.

Sa talaan ng Provincial Health Office (PHO), nasa 309,660 na mga indibidwal pa lamang ang bumalik para sa booster shot sa kabuuang bilang na 1,863,188 ng fully-vaccinated.

Ito ang iniulat ng PHO sa naganap na online Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (IATF) at Batangas Local Health Board Meeting kahapon, February 28, 2022.

Kaugnay naman sa Resolution No. 163-A, Series of 2022, nitong February 27, 2022, ng National IATF na patuloy na nagsasailalim sa Lalawigan ng Batangas sa Alert Level 2 mula March 1-15, nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Abigail Andres sa mga local government units na patuloy na ipatupad ang minimum health protocol, tulad ng pagsusuot ng face mask lalo na sa pampublikong lugar.

Ito ay sa harap ng sunod-sunod na sumbong sa kanyang tanggapan ng mga paglabag dito.

Dagdag pa ni Director Andres, ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagbaba ng Alert Level ng lalawigan ay hindi nangangahulugan na maaari nang hindi tumalima ang mga tao sa minimum health protocol. Aniya, napakahalaga pa rin ng pagsusuot ng face mask kahit marami na ang nabakunahan at bumababa na ang mga COVID-19 cases.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.