PHO: 95% Frontline Health Workers sa Lalawigan ng Batangas Fully-vaccinated

Higit 300 Blood Units, Naipon sa Blood Donation Drive sa Cuenca
November 14, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF OTHER SUPPLIES (DISINFECTANT SPRAY, 340 GRAMS, TRASH BAG, YELLOW, LARGE, 100’s, ETC.) FOR USE OF COVID PATIENTS IN ISOLATION FACILITIES OF THE PROVINCE OF BATANGAS
November 15, 2021

November 14, 2021

35% ng Populasyon naman ang Bakunado

Halos 95% na ng mga frontline health workers sa Lalawigan ng Batangas ang fully-vaccinated, habang kumpleto na rin ang bakuna ng higit 78% ng indigent population.

Kabilang ang mga ito sa naging ulat ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, sa pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at Provincial Health Board, na pinamunuan ni Gov. DoDo Mandanas, noong ika-8 ng Nobyembre 2021.

94.71% ang bilang ng mga fully-vaccinated sa A1 priority group, 54.84% sa mga senior citizens, 56.99% sa mga may comorbidities, 27.41% sa frontline personnel in essential sectors at uniformed personnel, at 78.24% naman sa A5 priority group o indigents.

Sa tinatayang mahigit 2.1 Milyong populasyong ng Lalawigan ng Batangas, ang mga nakadalawang dose na ng bakuna ay nasa 35.50% o 774,241 na mga indibidwal, habang ang may first dose pa lamang ng bakuna ay nasa 45.32% o 985,969.

Mula Marso hanggang Nobyembre 2021, nakatanggap ang lalawigan, dagdag ni Dr. Ozaeta, ng 131, 000 doses ng Aztrazeneca, 154, 710 doses ng Pfizer, 159, 200 doses ng Moderna, 54, 000 doses ng Janssen, 40, 000 doses ng Sinopharm, at 359, 250 doses ng Sinovac.

Ibinahagi rin ng PHO na isa sa nagiging problema sa vaccination ng mga pamahalaang lokal sa kasalukuyan ay ang kakulangan sa manpower. Ayon kay Dr. Ozaeta, kinakailangan ng 8 hanggang 10 na karagdagang katao sa vaccination teams ng bawat LGU para mas marami ang mabakunahan sa isang araw.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.