PGENRO Environment Lab, Pasado sa PDEA Online Audit, Inspection

Notice of Award – Purchase of 384 Polymerase Chain Reaction (PCR) Test Kit for African Swine Fever (ASF) including ASFV Premix reagent and cartridge set
October 15, 2021
Request for Quotation – PURCHASE OF VARIOUS MEDICAL SUPPLIES (DIALYZER, ADMISSION KIT (SOAP,BATH TOWEL, TOOTHPASTE, MEDICINE CUP, SPOON, FORK, TISSUE),ETC.) FOR USE OF BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL
October 19, 2021

October 16, 2021

Bilang pagsunod sa mga alituntunin ng kaligtasan at seguridad, nagsagawa ng isang online na pagsusuri at ebalwasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Batangas Environment Laboratory (BEL) ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) noong ika-12 ng Oktubre 2021 para sa paggamit ng ilang mga kemikal.

Inispeksyon ng PDEA ang mga kemikal, kabilang ang acetone, potassium, permanganate, sulfuric acid at hydrochloric acid, na ginagamit sa pagtatasa o analysis ng tubig, waste water at hangin na mga pangunahing ginagawa ng BEL.

Ang paggamit ng mga nabanggit na kemikal ay mahigpit na binabantayan o mino-monitor ng PDEA upang masiguro ang angkop na paggamit sa mga ito ng mga tamang ahensya para sa mga gawain na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Base sa isinagawang pagsusuri, na pinangunahan ni Ginoong Muhammad Al Fath A. Awak, Regulatory Compliance Officer, PDEA Regional Office 4-A CALABARZON, kay Ginoong Luis A. Awitan, PGENRO Department Head, at staff ng BEL, nakita at napatunayan na sumusunod ang laboratoryo sa mga tuntunin ng kaligtasan at seguridad. Ibibigay ang kaukulang permit o sertipiko sa PGENRO matapos maisumite ang iba pang mga requirements at mapirmahan ng PDEA Central Office.

Ang tuloy-tuloy na inisyatibo ng PGENRO upang patuloy na magamit ang BEL sa pag-monitor ng kalidad ng tubig at hangin sa buong lalawigan, kahit sa panahon ng pandemya, ay sang-ayon sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas.

PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.