Pasiklaban ng Sayaw ng mga Batanguena Tampok sa Kapitolyo

Talento ng mga Magsasaka at Mangingisdang Batangueño, Angat sa Singing Contest
December 20, 2022
Mga Kawani Nagpasiklaban sa Batangas Provincial Capitol Got Talent 2022
December 20, 2022

December 20, 2022

Isang paligsahan sa pagsayaw at pag-indak para sa mga Kababaihang Batangueño ang ginanap sa Kapitolyo, bilang parte ng selebrasyon ng Paskong Batangueno sa Kapitolyo 2022, noong ika-19 ng Disyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Mula sa anim na grupo ng mga Batanguena mula sa Ibaan, Rosario, San Jose, Talisay, Lungsod ng Batangas at Lungsod ng Lipa na nagtagisan ng galing sa pagsayaw, itinanghal na grand winner ang RM Ladies mula sa Rosario na tumanggap ng sertipiko at ₱20,000; pumangalawa ang dance troupe mula Talisay na nagwagi naman ng sertipiko at ₱15,000; at naging 3rd placer ang mga taga-Ibaan na nagkamit ng sertipiko at ₱10,000.

Nagsilbing hurado sa tagisan sina Mr. Manrique Cabaya, School of Arts and Cultural Affairs Head ng Sta. Teresa College; Ms. Sharlene Sawamoto; at Mr. Amado G. Hagos, Jr. ng Provincial Tourism ang Cultural Affairs Office. Naging pamantayan sa pagpili ng mga nanalo ang mga sumusunod: 40% Performace and Originality, 40 % Creativity and Choreography, 10% Overall Impact, at 10% Costume at Attire.

Isa ang dance competition sa mga patimpalak na idinadaos pagkatapos ng pagdiriwang ng Simbang Gabi.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.