Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakikiisa sa World Water Day

Invitation to Submit Quotation (Shopping)
March 22, 2022
Invitation to Submit Quotation (Shopping)
March 23, 2022

March 22, 2022

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), sa pagdiriwang ng “World Water Day,” na isinasagawa tuwing buwan ng Marso bawat taon upang pataasin ang kamalayan ng mga mamamayan tungkol sa kahalagahan ng tamang paggamit, pamamahala at pangangalaga ng mga katubigan at karagatan.

Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay “Groundwater: Making the invisible visible.”

Kaugnay nito, bilang bahagi ng monitoring at assessment ng mga marine protected areas (MPAs), ang PGENRO Batangas Environment Laboratory ay nagsagawa ng water sampling at on-site testing ng mga piling parameters sa 54 na MPAs mula sa 13 na mga baybaying lungsod at bayan, tulad ng Batangas City, Bauan, San Luis, Lian, Lemery, Calatagan, Taal, Nasugbu, San Juan, Lobo, Mabini at Tingloy, para sa buong buwan ng Marso 2022. Layunin nito na magtatag ng water quality monitoring data at trending analysis, masuri ang lawak ng polusyon na dulot ng mga gawain ng mga tao at pagbabago ng klima sa kalidad ng tubig ng mga MPAs alinsunod sa mga tuntunin ng antas ng polusyon sa tubig at ang pagsunod sa kalidad ng tubig sa Pangkalahatang mga Alituntunin sa Ambient Water ayon sa DAO 2016-08, at matukoy at masubaybayan ang mga posibleng pinanggagalingan at daanan ng mga pollutants o kontaminasyon.

Isinagawa ang unang pagkuha ng water samples noong Marso 1, 2022 sa San Pablo de Bauan MPA mula sa Bauan na sinundan sa San Luis (1 MPA), Lian (3 MPAs), Lemery (2 MPAs), Calatagan (11 MPAs), Taal (1 MPA), Nasugbu (8 MPAs), at Lobo (5 MPAs) katulong ang Pambayang Tanggapan ng Likas Yaman at Kapaligiran, Pambayang Tanggapan ng Agrikultura at mga Bantay Dagat. Magpapatuloy ang sampling sa Batangas City (4 MPAs), San Juan (11 MPAs), Mabini (4), at Tingloy (2 MPAs) hanggang Marso 31, 2022.

Ang mga water samples ay susuriin para sa Dissolved Oxygen, Fecal Coliforms, Nitrate, pH, phosphate, temperature, Oil and Grease at Total Suspended Solids. Ang resulta, makalipas ang dalawampung araw matapos ang sampling, ay ipapadala sa mga bayan para sa kanilang kabatiran na magiging batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa para mapanatiling nasa “standard” ang kalidad ng tubig sa mga MPAs upang mapangalagaan ang mga marine resources na higit na makikinabang ay mga mamamayan at mangingisda ng lalawigan ng Batangas.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, tuloy-tuloy ang iba’t-ibang inisyatibo ng PGENRO upang mapanatili ang isang maayos, malinis at malusog na karagatan sa buong lalawigan katuwang ang mga coastal LGUs, mga miyembro ng academe, non-government organizations, at mga pribadong samahan, maging sa panahon ng pandemya.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.