Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa World Wetlands Day

PHO: Bilang ng Nagpabakuna ng Booster Shot, Mababa pa Rin
March 5, 2022
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa World Wildlife Day
March 5, 2022

March 5, 2022

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), sa pagdiriwang ng “World Wetlands Day,” na isinasagawa tuwing buwan ng Pebrero bawat taon.

Sa taong ito, ang naturang selebrasyon, na may temang “Wetlands Action for People and Nature,” ay kaalinsabay ng anibersaryo ng Convention on Wetlands, na pinagtibay bilang isang internasyonal na kasunduan noong 1971. Naglalayon ito na mapataas ang pandaigdigang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng “wetlands” na mapagkukunan ng tubig-tabang, at paghihikayat ng pagkilos at pagtutulungan upang mapanumbalik ang mga ito at matigil ang kanilang pagkawala.

Ang PGENRO, kasama ang mga opisyal at mamamayan ng Brgy. Banoyo at Bagong Tubig, San Luis, Batangas ay sama-samang nagtanim ng 113 na mga punla ng Bungalon (Avicennia) at 35 na Pototan (Bruguiera) sa mga baybaying dagat ng nasabing mga barangay.

Nagkaroon din ng paglilinis o pagtatanggal ng mga basura sa mga kalapit na bata pang bakawan at paligid nito upang magtuloy-tuloy ang kanilang paglaki. Kabilang sa mga basurang naalis sa bakawan ay mga plastik gamit sa pamimili, lalagyan ng pagkain, sanitary napkin, diapers, plastic cups, sako, tali, fishing net, damit at face masks.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, tuloy-tuloy ang iba’t-ibang inisyatibo ng PGENRO upang mapanatili ang isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong lalawigan sa kabila ng pandemya.

PG-ENRO – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.