Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nakiisa sa World Environment Day

Pagsasanay sa Pagtatanim ng Saging, Isinagawa ng DA-4A, Batangas Provincial Agri Office
June 6, 2022
Batangas PNP: Krimen Bumaba, Walang Election-related Crimes
June 6, 2022

June 6, 2022

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng “World Environment Day” noong Linggo, ika-5 ng Hunyo 2022.

Isinasagawa ito tuwing ika-5 ng Hunyo bawat taon sa buong mundo, at may temang “#OnlyOneEarth,” na siya ring tema na ginamit 50 taon na ang nakakaraan noong 1972 United Nations Conference of the Human Environment sa Stockholm, Sweden.

Kaugnay nito, ang pamahalaang panlalawigan, sa paggabay ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), ay patuloy na nagpapatupad ng iba’t-ibang mga programa at proyekto para sa pangangalaga sa Inang Kalikasan at pagtugon sa epekto ng climate change.

Kabilang dito ang pangangalaga at pagtatanim ng mga punongkahoy at bakawan; tuloy-tuloy na monitoring at assessment ng kalidad ng tubig sa mga dagat, ilog at lawa, at kalidad ng hangin sa iba’t-ibang designated areas; pagtatatag at pamamahala ng mga marine protected areas; paglilinis ng mga baybaying dagat at tabing kalsada; at pagtuturo ng tamang pamamahala at pagtatapon ng basura.

Katuwang sa mga nasabing gawain ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan, national government agencies, mga miyembro ng academe, non-government organizations, at mga pribadong samahan at indibidwal upang mapanatili ang isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran at malusog na kalikasan sa buong lalawigan, sa kabila ng pandemya.

Ang World Environment Day ay itinuturing na pinakamahalagang araw sa mga pagkilos para sa kapaligiran at pagbabago upang mapangalagaan ang ating planeta. Ito rin ay naglalayon na mapataas ang pandaigidigang kamalayan at hikayatin ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Batangas PGENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.