Pagsasanay sa Pagtatanim ng Saging, Isinagawa ng DA-4A, Batangas Provincial Agri Office

Mahigit ₱1.2 Milyon Tulong-pinansyal, Ipinamahagi ng PSWDO
June 6, 2022
Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas nakiisa sa World Environment Day
June 6, 2022

June 6, 2022

Patuloy pa rin ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Batangas.

Kaugnay nito, noong ika-3 ng Hunyo 2022, isang Training on Package of Technology for Banana Production ang isinagawa ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, katuwang ang Department of Agriculture IV-A, sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Brgy. Bolbok, Batangas City.

Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng mga municipal agriculturists at mga pangulo ng samahan ng magsasaka sa lalawigan na miyembro ng Batangas Banana Growers Federation.

Ayon kay Jessica Verdadero, Agriculture Technologist at Provincial Focal Person on Banana, layunin ng pagsasanay na maibahagi sa mga magsasakang Batangueño ang mga tamang paraan at pangangasiwa ng mga sagingan partikular ang kahalagahan ng malusog na lupa at pamamahala sa mga peste na pumipinsala sa mga tanim na saging.

Umaasa naman si OPAg Head Dr. Rodrigo Bautista, na sa tulong ng naturang training at gabay ng kanilang tanggapan ay mas maitataas pa ang kalidad at ani ng mga magsasaging ng lalawigan, sang-ayon sa mga programang isinusulong ni Gov. DoDo Mandanas.

Jun Magnaye / Photo: MacVen Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.