Paghahanda ng Batangas sa El Niño, Tinutukan ng Kapitolyo

Supplemental Bid (Change of venue) Bidding May 16, 2023
May 12, 2023
Resolution No. 705 Year 2023 – RESOLUTION AUTHORIZING THE HONORABLE GOVERNOR TO ENTER AND SIGN A MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) WITH THE SOUTH PREMIERE POWER CORP. (SPPC)
May 15, 2023

May 12, 2023

Upang alamin ang mga panganib na dala ng nakaambang El Niño phenomenon at mapag-usapan ang mga wastong hakbang at aksyon upang mapaghandaan ito, isang pagpupulong ng mga kinauukulang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang isinagawa noong ika-11 ng Mayo 2023 sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Sa talakayang ipinatawag ng Office of the Provincial Administrator, sa pangunguna ni Ginoong Wilfredo Racelis, sang-ayon sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, binalangkas din ang muling pagbuhay sa El Niño Task Force na naunang binuo noong taong 2015.

Ang El Niño ay isang abnormal weather pattern bunga ng pag-init sa gitnang bahagi ng Pacific Ocean, at sinasabing nauulit tuwing ikalawa hanggang ikapitong taon. Ayon sa mga eksperto, mararamdaman ang matinding epekto nito sa huling bahagi ng kasalukuyang taon, kabilang ang matinding tagtuyot bunga ng kakaunting pag-ulan. Kaugnay nito, ang kakulangan ng tubig ay makakaapekto sa mga taniman na maaari namang magdulot ng problema sa suplay ng pagkain at kuryente.

Nagbahagi ng mga impormasyon tungkol sa El Niño ang Provincial Risk Reduction and Management Office, sa pamamagitan ni Assistant Department Head Fe Ferndandez. Tinalakay din ang mga istratehiyang maaaring ipatupad sa iba’t ibang sektor, sang-ayon sa mga kani-kanilang mga contingency plans, kabilang ang sa Provincial Veterinary Office, sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, Office of the Provincial Agriculture, na pinamumunuan ni Dr. Rod Bautista, at Provincial Health Office, na kinatawan ni Assistant Department Head, Dr. Rosalie Masangkay.

Nagbigay din ng mga panukala sina Provincial Government Environment and Natural Resources Officer Luis Awitan, at Provincial Planning and Development Coordinator, Engr. Evelyn Estigoy.

Bilang paunang mga hakbang, nakatakdang isaayos ang El Niño Task Force upang pangunahan ang mga konkretong pagpaplano at paghahanda ng lalawigan, samantalang magbabanghay na ng mga education and information materials, sa pamamagitan ng Provincial Information Office (PIO), patungkol sa mga pangunahing dapat malaman at tandaan ng publiko sa posibleng maranasang matinding tag-init at tagtuyot.

Binigyang-diin din ni Dr. Masangkay ang pagpapaalala tungkol sa mga wastong hakbang na pangkalusugan, kabilang ang regular at sapat na pag-inum ng tubig at pag-iwas sa matagalang pagbababad sa ilalim ng araw na maaaring maging sanhi ng mga sakit sa balat.

Dagdag ni Provincial Administrator Racelis, mainam na, ngayon pa lamang, ay mailatag na ang mga dapat gawing mga hakbang upang mas epektibong makatugon sa mga posibleng magiging mga pangangailangan, lalo na patungkol sa serbisyo publiko.

Kasama ring nakiisa sa meeting sa conference room ng Provincial Administrator’s Office ang mga kinatawan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office at PIO.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.