P4.5M Cash Assistance, Ipinamahagi ng DOLE, Kapitolyo para sa mga TUPAD Beneficiaries

Mga Serbisyong Pambeterinaryo ng Batangas OPV, Tuloy-tuloy
January 30, 2021
Financial Assistance ng Batangas Capitol sa Repatriated/Distressed OFWs, Tuloy-tuloy
January 30, 2021

January 30, 2021

Magkatuwang na ipinamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-26 at 27 ng Enero 2021 ang cash assistance, na nagkakahalagang ₱4.5 Milyon, para sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, na mula sa mga Bayan ng Nasugbu, San Nicolas, Agoncillo, at Talisay, Batangas sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE, sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, na nagbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng hanapbuhay, underemployed, at seasonal workers, kabilang ang mga nawalan ng trabaho dahil sa mga sakuna, sa loob ng 10 hanggang 30 araw.

Katuwang ng DOLE ang pamahalaang panlalawigan bilang isang Accredited Co-Partner sa nasabing community-based assistance package, na layuning mabigyan ng financial assistance ang mga naging biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal na nakatira sa Talaibon Interim Housing Site sa Ibaan at mga lugar kung saan nagkaroon ng malalaking fissures malapit sa bulkan; at mga nasalanta ng Bagyong Rolly.

Pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang nasabing proyekto na nagkaroon ng 711 na benipisyaryo, at nakatanggap ng cash assistance na ₱6,400 matapos ang 16 na araw na emergency employment.

Bukod sa tulong pinansyal, hatid din ng programa ang dagdag kaalaman para sa mga TUPAD workers sa pamamagitan ng libreng training.

Lubos naman ang pasasalamat ni Gov. DoDo Mandanas sa tulong na ito ng pamahalaang nasyunal na naipaaabot sa mga kababayan.

Francis Carlo L. Japor / Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.