Natatanging mga Empleyado, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Tree Planting Activity Sa Montemaria
September 25, 2017
Best in Zumba, Taekwondo at Boxing sa Kapitolyo, Pinarangalan
September 25, 2017

September 25, 2017

Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Philippine Civil Service na may temang “Tugon sa Hamon ng Pagbabago: Malasakit ng Lingkod Bayani.”

Kaugnay nito, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga natatangi at kapuri-puring empleyado na nagpakita ng pagiging halimbawa ng isang mabuting lingkod bayan.

Ginanap noong ika-25 ng Setyembre 2017 ang paggawad ng  parangal sa Provincial Auditorium, Lungsod ng Batangas, na pinangunahan ni Gov. Dodo Mandanas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan gayun din sina DILG Batangas Province Provincial Director Adelma Mauleon at University of Batangas Human Resource Development Officer Analyn Soriano.

Iginawad ang Best Employee Award kay Maridita V. Cantos ng Sangguniang Panlalawigan para sa 2nd Level category at Ronaldo C. Blanco mula sa Office of the Provincial Agriculturist para naman sa 1st Level category.

Para naman sa Exemplary Behavior Award, ang mga awardees ay sina Estrellita C. Burog para sa 2nd Level at Segunda Caringal para sa 1st Level na mula sa Provincial Treasurer’s Office.

Ginawaran naman ng Governor’s Service Award si Ms. Amelia C. Rosales mula sa Provincial Planning and Development Office. Siya ay nagsilbi sa Pamahalaang Panlalawigan sa loob ng 45 taon at 3 buwan.

Ang mga awardees ay tumanggap ng plaque at P 10,000.00 cash prize.  Elfie Ilustre / Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.