Ang kantahan tuwing may okasyon at selebrasyon ay normal na para sa mga Batangueño, gamit ang videoke, speakers, at iba pang sound-amplifying devices.
Kaugnay nito, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa 3rd Regular Session nito noong ika-25 ng Enero 2021 sa Salvador H. Laurel Session Hall, Capitol Site, Lungsod ng Batangas ang mga municipal ordinances ng mga Bayan ng Calatagan, Ibaan, Laurel at Rosario na nagsasaad ng limitasyon sa paggamit ng videoke at iba pang sound-amplifying devices ngayong panahon ng pandemya, kung kalian ang mga estudyante ay nasa kani-kanilang mga bahay at dumadalo sa mga virtual classes.
Inihain ni 5th District Board Member Arthur “ Bart” Blanco, chairperson ng Committee on Peace and Order and Public Safety, ang mga naging ulat matapos ang kanilang mga ginawang committee hearings, na dininig naman ng SP nang walang naging pagtutol
Kabilang sa mga lokal na regulasyon ang Municipal Ordinace No. 273 S. 2020 ng Calatagan, Municipal Ordinance No. 12 S. 2020 ng Ibaan, Municipal Ordinance No. 13 s. 2020 ng Laurel, at Kautusan Bilang 573 S. 2020 ng Rosario.
Mon Antonio Carag III, Photo: Macven Ocampo – Batangas PIO