Mga Opisyal ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers, Nanumpa

Pilot Areas sa Batangas Province ng Disability Data Management System Program, Nakatanggap ng Tablet Computers
July 20, 2022
Batangas Province-led Agriculture and Fishery Extension System at Turnover ng Batangas Provincial Trading Center, Isinagawa sa Kapitolyo
July 20, 2022

July 20, 2022

Isinagawa ng mga bagong halal na mga opisyal at miyembro ng Board of Directors (BOD) ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers o BALDRRMO ang kanilang panunumpa sa katungkulan sa harap ni Batangas Governor DoDo Mandanas noong Hulyo 18, 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Ang nasabing tagpo ay sinaksihan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Lito Castro, kasama ang pamunuan at kawanihan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Kabilang sa mga nahalal na opisyal ng BALDRRMO sina Belina Macuha – Montalbo ng Bauan bilang Pangulo, Gally D. Tipan ng Mataas na Kahoy bilang Vice President for Internal Affairs, Alexander James P. Pimentel ng Nasugbu bilang Vice President for External Affairs, Virgieluz L. Gonzales ng San Pascual bilang Kalihim, Arthur M. Dimaculangan ng San Jose bilang Ingat Yaman, at Junfrance A. De Villa ng Agoncillo bilang Auditor.

Samantala, nahirang na Operations Team Leader ng District I si Jesus P. Tolentino ng Lemery at District III si Peter John B. Mirania ng Talisay. Miyembro naman ng BOD sina Rodrigo Dela Roca ng Batangas City, Ronald A. Torres ng Calatagan, at Marcial O. Cerezo ng Taysan.

Sa pamamagitan ng BALDRRMO, nagiging mas madali at mabilis ang koordinasyon ng mga lokal na DRRMO sa pamahalaang panlalawigan sa pagtugon sa mga kalamidad. Naibabahagi nila ang kanilang mga aktibidad at panukalang programa na makatutulong sa mas maagap na pag-aksyon.

Nabibigyang-daan din na marinig ang mga hinaing at pangangailangan sa mga ginagawang operasyon ng mga pamahalaang lokal. Dahil dito, nagkakaroon ng sapat na kahandaan ang buong lalawigan para sa anumang sakuna na kakaharapin.

Sa kanyang mensahe para sa mga opisyal, pinaalalahanan ni Gov. Mandanas ang mga ito na gampanan ang kanilang mga tungkulin ng may kahusayan at dedikasyon para sa kaligtasan ng bawat mamayang Batangueño.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.