Mga Naisakatuparan, Nakatakdang Proyekto sa Agrikultura, Pangisdaan, Tinalakay sa PAFES Meet sa Kapitolyo

Resolution No. 682, Provincial Ordinance No. 007 Year 2023 – PROVIDING FOR THE PASSAGE OF AN ORDINANCE INSTITUTIONALIZING THE EPIDEMIC DECLARATION AND RESPONSE SYSTEM IN THE PROVINCE OF BATANGAS AND FOR OTHER PURPOSES
May 8, 2023
Supplemental Bid Bulletin No. 01 (Project 22 & 23) May 16, 2023 Bidding
May 9, 2023

May 9, 2023

Pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas ang ginanap na Batangas Province-led Agriculture and Fishery Extension System (PAFES) meeting sa Provincial Cooperative Development Center, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Mayo 2023.

Naging bahagi ng talakayan ang pagbibigay ng updates ni Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, tungkol sa mga naipaganap nang mga aktibidad ng lalawigan sa ilalim ng PAFES simula noong taong 2021, hanggang sa mga nakatakda o isasagawa pang mga inisyatibo ngayong 2nd quarter ng taong 2023.

Bukod sa mga binalikang milestone activities para nakaraang dalawang taon, inilahad din ni Dr. Bautista ang mga nakalinyang proyekto ng PAFES ngayong buwan ng Mayo hanggang Hunyo, tulad ng pagsasagawa ng Farmers’ Forum, pagdaraos ng Agro Enterprise at Organizational Development Trainings, at ang planong konstruksyon ng dawalang palapag na PAFES Training Center sa Provincial Agriculture Office Compound sa Bolbok, Lungsod ng Batangas.

Magkabalikat namang tinalakay nina Dr. Bautista, para sa Crops, at Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, para sa Livestock, ang mga programa at proyektong nakasaad sa Collaborative Provincial Agriculture and Fisheries Extension Program (CPAFEP) 2022-22024.

Kabilang sa mga paksang pinag-usapan ay ang implementasyon ng agricultural programs sang-ayon sa Mandanas-Garcia Supreme Court Ruling at bahaginan ng mga ideya o insight para sa pagpapaganap ng mga serbisyo sa ilalim ng PAFES sa Batangas.

Nakiisa sa ginanap na PAFES meeting sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis at Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Head Celia Atienza. Dinaluhan din ito ng ilang mga Municipal Agriculturists sa probinsya, policy experts, at mga opisyal, kinatawan, at kawani mula sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Department of Agriculture (DA) Region IV-A, at Coalition for Agricultural Modernization in the Philippines (CAMP).

Mark Jonathan Macaraig / Photos: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.