Beat Diabetes. Nagbigay ng mensahe si Batangas Provincial Health Officer Dr. Rosvilinda Ozaeta sa paglulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Department of Health (DOH) at mga opisyales ng bayan ng Nasugbu ng “World Diabetes Day”, na may temang “ Be part of the Circle: Beat Diabetes” nitong nakaraang Nobyembre 14, 2017 sa Nasugbu, Batangas. Batangas Capitol PIO
November 17, 2017

Ang sakit na diabetes ay isang kundisyon kung saan bumababa ang abilidad o kaya ay kumpletong nababawasan ang abilidad ng body tissues na pangalagaan at gamitin ang sustansiyang nagdudulot ng lakas at enerhiya sa katawan. Ito ay nagmumula sa maraming sanhi.
Magkatuwang na nailunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Department of Health (DOH) at mga opisyales ng bayan ng Nasugbu ang “ World Diabetes Day”, na may temang “ Be part of the Circle: Beat Diabetes” nitong nakaraang Nobyembre 14, 2017 sa Nasugbu, Batangas.
Ang medical mission ay isinagawa sa tulong ng mga eksperto na sina Dr. Rosvilinda Ozaeta Provincial Health Officer Dr. Josephine Gutierrez at Dr. Rosalie Masangkay. Kasama din sina Dr. Sarah Marquez at Dr. Carlo Magno ng Nasugbu Health Office, Department of Health Region 4-A Dr. Emy Perez , Dr. Marilou Espiritu at Dr. Elizabeth Sario.
Layuning makatulong ng Department of Health sa buwanang gamutan ng mga may diabetes at mailunsad ang tamang pag iwas dito sa pamamagitan ng pag eehersisyo at healthy lifestyle.
Dinaluhan ng 300 na diabetiko, nag organisa rin ng iba pang activities para sa mga kalahok ng libreng check-up, Fasting Blood Sugar (FBS) at Zumba. Namahagi din ng libreng gamot na magagamit sa loob ng isang buwan. Buwan buwan din ang kanilang pag papakosulta upang subaybayan ang kanilang kalagayan. /Batangas Capitol PIO – Aimee Zaira Macasaet, Christine Santos