Mga Batangueño Seasonal Farm Workers Sumailalim sa South Korean Culture Orientation

Kauna-unahang Kite Festival, Isinagawa sa Lalawigan Ng Batangas
April 19, 2023
Supplemental / Bid Bulletin No. 1 – Revised TOR
April 20, 2023

April 19, 2023

Personal na nagbigay ng mensahe si Governor DoDo Mandanas sa 161 na Batangueño seasonal farm workers na lilipad patungo sa bansang South Korea sa ika-20 at ika-26 ng Abril 2023 sa isinagawang Orientation on South Korean Culture sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-18 ng Marso 2023.

Ito ang ika-9 at 10 batch ng mga seasonal farmers na ipapadala ng lalawigan sa bansang South Korea mula nang simulan ang inisyatibo noong taong 2018.

Ang mga farmers ay sasailalim sa limang buwan na agricultural training sa Chuncheon City at Hoengseong, Gangwon Province sa nasabing bansa at inaasahan na, sa kanilang pagbabalik, ay maibabahagi sa kanilang mga kababayan ang mga kaalaman at kasanayang natutunan.

Ang naturang aktibidad magkatuwang na pinangangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad ang Oath of Undertaking, na pinangunahan ni Governor Mandanas. Pinaalalahanan niya ang mga farm workers na sila ang magiging mga kinatawan ng lalawigan at palaging isa-puso ang pagiging maka-Diyos, makakapwa-tao at maka-bansa saan man sila naroroon.

Nakiisa at nagbigay rin ng kanilang mensahe sina PTCAO Assistant Department Head Jaida M. Castillo, at Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista Jr.

Janssen Olimba/Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
5

Comments are closed.