Mga Batangueño, Hinihikayat Makiisa Earth Hour 2023 sa Marso 25

Invitation to Bid – Goods (April 12, 2023)
March 24, 2023
Intellectual Property Seminar, Dinaluhan ng mga Empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan
March 24, 2023

March 24, 2023

Source: https://wwf.org.ph/what-we-do/climate/earth-hour/earthhour2023/

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa patuloy na direktiba ni Governor DoDo Mandanas, at sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) ang lahat na makiisa sa gaganaping “Earth Hour” ngayong Sabado, ika-25 ng Marso 2023, ganap na ika – 8:30 hanggang 9:30 ng gabi, kung saan sabay-sabay na papatayin ang mga ilaw sa bahay, gusali, kalye, signages at iba pang pinanggalingan ng liwanag upang maging madilim ang buong paligid.

Ito ay isang taunang gawain na naglalayong lumikha ng kamalayan at paalala sa buong mundo ng kahalagahan ng ating planeta, ang pangangailangang protektahan ito, sa gaano man kaliit o kaunting oras.

Kaugnay nito, hinihiling na gumugol ng 60 minuto o isang oras sa paggawa ng isang bagay na positibo para ating planeta. 60 na minuto lamang, ngunit ang mahika ay mangyayari kapag buong mundo ang makikiisa at gagawa para sa nag-iisang tahanan ng lahat, na lilikha ng “Pinakamalaking Oras Para sa Planeta” na makalilikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga tao at sa planeta.

Isa rin itong ipaalala na ang isang oras ay mahalaga; na kailangang paglaanan ng oras ang pagpapanatili ng isang malusog, maayos at malinis na kapaligiran, kalikasan at masaganang karagatan sa buong mundo, lalo at higit sa Lalawigan ng Batangas.

Rochelle Amboya (PGENRO) – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.