Medical HELP para sa mga Batangueño. Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa isinagawang libreng gamutan sa Apacible Memorial District Hospital sa Munisipalidad ng Nasugbu noong January 27 – 31, 2019 ang mga Filipino – American doctors ng Association of Philippine Physicians of the Florida Panhandle. Kasama nina Gov. Dodo Mandanas at Provincial Health Officer, Dr. Rose Ozaeta (2nd mula kaliwa) ang ilan sa mga duktor na nag-alay ng kanilang serbisyo para sa mga Batangueño. Photo: Jhun jhun De Chavez / Batangas Capitol PIO
February 8, 2018

Daan-daang mga Batangueño na residente ng Nasugbu at mga bayan sa Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas ang nabigyan ng libreng gamot, konsultasyon, at dental at eye services sa isinagawang Medical, Surgical & Dental Mission 2019 noong ika-27 hanggang ika-31 ng Enero taong kasalukuyan sa Apacible Memorial District Hospital sa Munisipalidad ng Nasugbu.
Naisakatuparan ang gamutan sa pangunguna ng Association of Philippine Physicians of the Florida Panhandle (APPFP), katuwang ang Batangas Provincial Health Office (PHO), Nasugbu Municipal Health Unit (MHU), Apacible Memorial District Hospital, at Ospital ng Nasugbu.
Ayon sa PHO, umabot sa 831 ang nabigyan ng libreng serbisyo sa Out-Patient Department (OPD), habang 572 katao ang nalapatan ng libreng bunot, pasta ng ngipin at iba pang dental services. 147 katao naman ang sumailalim sa libreng check up sa mata, kung saan karamihan ay mga senior citizens na hindi na kayang gastusan ang pagpapatingin sa malabong mata.
Samantala, may kabuuang 266 na surgery operations naman ang naisagawa.
Inaasahang magpapatuloy ang pagsasagawa ng mga medical missions sa iba’t ibang mga distrito sa lalawigan, alinsunod sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunnguna ni Gov. Dodo Mandanas, na mas pagtuunan ng pansin at pagbutihin ang paglalaan ng medical services sa mga Batangueño. ✐Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO