August 09, 2018
Ginanap ang isang contract signing sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at 23 Consignors, alinsunod sa Provincial Ordinance No. 003, Year 2017 o mas kilala bilang “Batangas Provincial Consignment System as amended” na naglalayong maipatupad at gawing mas epektibo ang hospital drug consignment system ng pamahalaan.
Ang nasabing ordinansa ay isinagawa upang magkaroon ng isang pamantayan, pagsasaayos ng mga regulasyon at pagpapatupad ng epektibong consignment system.
Nagsalita si Governor Dodo I. Mandanas tungkol sa tamang proseso kaakibat ang Republic Act 9184 o mas kilala bilang Government Procurement Reform Act na kung saan ang mga napiling Consignor ay accredited.
Ang contract signing ay ginanap sa People’s Manision, Capitol Compound, Batangas City noong ika-8 ng Agosto taong 2018. – Shelly Umali at Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO