Mas Maging Magiting, Laging Handa sa mga Hamon ng Taong 2021 – Gov. Mandanas

Invitation to Bid (Jan. 26, 2021)
December 29, 2020
Notice of Award – REPEAT ORDER: Purchase of 10,000 bags of Grocery Packs to be given to accredited volunteers, sectoral leaders and other community leaders in the Province of Batangas
January 6, 2021

January 6, 2021

“Manatiling Handa, Pag Ibayuhin ang Kagitingan.”

Ito ang mensahe na ipinaabot ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa mga miyembro ng Batangas Inter –Agency Task Force (IATF) Against COVID-19 sa kauna-unahang pulong nito para sa taong 2021, noong ika-4 ng Enero, kung saan ibinaba nito ang direktiba na tuloy–tuloy ang pagtulong at pagtugon sa mga pangangailangan ng samabayanang Batangueño sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Partikular na binigyang-pansin ng gobernador sa nasabing pulong ang pagpapaigting ng food security sa buong lalawigan, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan, partikular ang sektor ng edukasyon upang tutukan ang pagtatanim sa tulong ng mga guro at magulang.

Ayon kay Mandanas, mayroong sampung paaralan ngayon na iginigiyang tutugon sa programa, at pinagkalooban ng mga food processing equipment na makakatulong sa pagpapatagal ng shelf life ng mga food products.

Dagdag pa ng gobernador, binabalangakas na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Agriculture ang isang Memorandum of Agreement, na magbibigay buhay sa programang Food Security Highway kung saan magiging sentro ng food security hub ang Batangas Port at Batangas Food Terminal.

Kasunod nito ang pagsasagawa ng mga kaukulang imprastraktura tulad ng vital road networks na mas maayos na magdudugtong sa mga daungan at merkado sa buong lalawigan para sa mabilis na pagdadala ng mga pagkain sa mga nangangailangang mga bayan.

Bukod sa usapin ng food security, iniaatas din nito sa pamunuan ng IATF na ipagpatuloy ang mga nasimulang programa na tumutugon sa krisis na dulot ng pandemya, kabilang ang pag-alalay at pagtulong sa mga health workers at barangay functionaries, pag-alalay sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ayuda sa mga pribadong paaralan na napilitang magsara dulot ng mababang enrollment turn out, patuloy na pamamahagi ng food subsidy, at tuloy tuloy na pag-bibigay ayuda para sa mga iskolar ng bayan.

Inatasan rin nito ang mga kinauukulan, partikular ang mga kinatawan ng mga pamahalaang lokal, na pag-ibayuhin ang surveillance at contact tracing capability ng mga ito, bunsod ng banta ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 dahil sa pagdaan ng holiday season sa bansa.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.