Luzon RDComm at CALABARZON RDC, Kumilos para Mapigilan ang Pagkalat Bird Flu

Pastol ng Batangueño
August 17, 2017
39th National Disability Prevention & Rehabilitation Week, Isinagawa sa Bauan
August 24, 2017

Ligtas ang Poultry Products ng Batangas. Pinangunahan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang pagkain ng nilabong itlog mula sa San Jose, Batangas upang ipakita na ligtas ang mga produkto ng mga manukan sa Lalawigan ng Batangas nang isinagawa ang joint meeting ng NEDA Board Regional Development Committee for Luzon (Luzon RDComm) at CALABARZON Regional Development Council (RDC) na ginanap sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Diliman, Quezon City noong ika-15 ng Agosto 2017 para dagliang kumilos kontra sa Bird Flu o avian influenza. Vince Altar / Photo: Onin Castillo – Batangas Capitol PIO

August 18, 2017

Bilang dagliang tugon sa pagkakaroon ng positibong Bird Flu sa bansa, isinagawa noong ika-15 ng Agosto 2017 ang joint meeting ng NEDA Board Regional Development Committee for Luzon (Luzon RDComm) at CALABARZON Regional Development Council (RDC) na ginanap sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Diliman, Quezon City.

Pinangunahan ang talakayan ni Batangas Governor Dodo Mandanas, na chairperson ng dalawang konseho, upang mapagkaisahan ang mga konkretong hakbang bilang tugon sa matinding hamon sa ekonomiya at kalusugan na dala ng Avian Influenza o Bird Flu na nadiskubre sa isang poultry ng mga layers o nangingitlog na manok sa San Luis, Pampanga.

Sa hanay ng Luzon RDComm, ipinasa ang ilang Resolutions, kabilang ang Resolution “Encouraging Provincial Governments to tackle Bird Flu Control and Prevention Measures in the PDRRMC.  Dito, hinihikayat ang bawat lalawigan na gawing kabahagi ng disaster management ang mga kaukulang mga hakbang na maaaring gawin sa pagkakataong makapasok ang Bird Flu sa kani-knailang lokalidad.  Isinulong din ang Resolution Requesting the Department of Agriculture to calibrate restriction on the movement of live domestic birds and theor products from Luzon to Visayas and Mindanao. Sa pamamagitan nito, hiniling ng RDComm na tukuyin ng DA ang mga paghihigpit particular ang panahon kung kalian ipapagaganap ang mga ito.  Dahil sa Bird Flu positive ang isang poultry farm sa Pampanga, direktang naapektuhan din ang operasyon ng mga magmamanok saan mang lugar sa Luzon na hindi naman kinakitaan ng avian influenza, na magreresulta naman ng kakulangan ng poultry products sa Visayas at Mindanao.

Sa bahagi naman ng CALABARZON RDC, pinag-usapan ang mga aksyong naipatupad ng konseho tulad ng agarang pagpapatawag sa isang pagpupulong ng mga miyembro ng regional quick response team, avian influenza coordinators at iba pang stakeholders sa Lungsod ng Lipa noong August 12; pagpapatawag sa mga provincial veterinarians sa Region IVA upang malaman ang sitwasyon sa bawat lalawigan noong August 14; at ang on-going na monitoring ng mga poultry farms at pagpapakalat ng Information and Education materials tungkol sa Bird Flu.  Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.