“Liwanag ng Pag-asa”, Tampok sa 440th Foundation Day ng Lalawigan ng Batangas

Request for Quotation – PURCHASE OF 4,000 BOTTLES OF MULTIVITAMINS WITH IRON SYRUP, 120ML FOR SUPPLEMENTARY FEEDING PROJECT
December 6, 2021
2021 Loyalty Awardees, Pinarangalan ng Batangas Capitol
December 10, 2021

December 9, 2021

Apat na Natatanging mga Indibidwal, Kinilala Bilang Dangal ng Batangan Awardees 2021

DANGAL NG BATANGAN, LIWANAG NG PAG-ASA. Makikita sa larawan (mula kaliwa hanggang kanan) sina Senator Ralph G. Recto; Batangas 6th District Representative Congresswoman Vilma Santos-Recto, Dangal ng Batangan sa Lingkod Bayan; Governor DoDo Mandanas; Dr. Benjamin E. Diokno, Dangal ng Batangan sa Pananalapi ng Bayan; Dr. Bernardo M. Villegas, Dangal ng Batangan sa Ekonomiya at Pagpapaunlad ng Bayan; Anak-Kalusugan party-list nominee, Atty. Regina Reyes-Mandanas; at Vice Governor Mark Leviste sa pagdiriwang ng ika-440 na taong pagkakatag ng LaLawigan ng Batangas noong ika-8 ng Disyembre 2021 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City. Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Naging simbolo ng pagbangon, maalab na kasiglahan, at mataas na kumpiyansa na muling maaabot ang kaunlaran ang pagdiriwang ng ika-440 na taong pagkakatatag ng Lalawigan ng Batangas, na muling isinagawang face-to-face o personal ang pagdalo at pakikiisa sa pagtitipon.

Ang programa, na ginanap noong ika-8 ng Disyembre 2021 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City, ay pinangunahan nina Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste at dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga opisyal ng Kapitolyo, at mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sumentro ang 440th founding anniversary ng probinsya sa liwanag ng pag-asa na natatanaw, sa kabila ng napakaraming pagsubok na pinagdaanan ng lalawigan sa nakalipas na taon, kabilang ang patuloy pa ring pagharap sa banta ng pagputok ng Bulkang Taal, COVID-19 pandemic at iba pang mga sakuna o kalamidad.

Sa pangangasiwa ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), naging highlight ng aktibidad ang pagbibigay-parangal at pagkilala sa mga natatanging Dangal ng Batangan ngayong taong 2021, na pawang mga naging inspirasyon at nagpamalas ng kahusayan sa kani-kanilang mga larangan.

Iginawad kay Batangas 6th District Representative Congresswoman Vilma Santos-Recto ang Dangal ng Batangan sa Lingkod Bayan, habang ang parangal sa Pagmamalakasakit sa Bayan naman ay ipinagkaloob kay Senator Christopher Lawrence Go.

Bukod dito, si Dr. Benjamin E. Diokno, Gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang hinirang na Dangal ng Batangan sa Pananalapi ng Bayan, at Dr. Bernardo M. Villegas, na apo ng bayaning si Heneral Miguel Malvar, naman ang kinilala bilang Dangal sa Ekonomiya at Pagpapaunlad ng Bayan.

“Kinikilala at itinatanghal natin sila, dahil sa kanilang bukod-tanging pagbibigay ng lakas ng loob, tibay ng damdamin, at alab ng pagmamahal sa mga pilipinong batangueño,” pagpupunto ni Mandanas.

Sang-ayon sa tema, binigyang-diin ng gobernador ang sama-samang pagsisikap at pagpapakita ng kagitingan at katatagan ng bawat isang Batangueño, sa kabila ng mga hamon sa buhay, na siyang nagpapalakas sa sinag ng liwanag ng pag-asa, at nagtutulak sa maganda, maunlad, at masayang pamumuhay sa Lalawigan ng Batangas.

Ibinida ni Governor Mandanas na ang Batangas ay sumusunod na sa Cebu bilang pinakamayang lalawigan sa Pilipinas, sa dalawang magkasunod na taon, batay sa datos ng Commission on Audit.

Dagdag pa nito, ang lalawigan ang nanguna sa matagumpay na pakikibaka sa Korte Suprema ng Pilipinas para maisulong at maibigay sa mga local government units ang tama, wasto, at makatarungang kabahagi sa koleksyon ng national taxes.

Ayon sa kaniya, sa nalalapit na implementasyon ng makasaysayang Supreme Court decision na ito sa 2022, mas mabilis at maagap na ang pagsagot ng pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan sa larangan ng kalusugan, pagpapaaral, hanapbuhay, pagkain, pabahay, at marami pang social services.

Ipinagmalaki rin ni Governor Mandanas ang naging pagtugon ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa COVID-19 pandemic, tulad na lang ng pagpapataas ng antas ng mga provincial district hospitals, pagbili ng mga makabagong health facilities at equipment, tuloy-tuloy na educational assistance, pagbibigay ng honorarium sa mga volunteer workers, at pagkakaloob ng ayuda at medical assistance na lampas na aniya sa ₱700 Milyon para sa 2021.

Kasama rin sa ipinagbigay-alam ng gobernador ang pagsisimula ng food terminal na may provincial food port, na kinilala ng Department of Agriculture na gateway ng Agro-Business Corridor at simula ng food-supply chain sa Batangas Bay, pag-prioritize sa Information and Communication Technology projects, at pamamahagi ng 1,000 units ng multi-purpose rescue vehicle sa mga barangay sa lalawigan at Maritime Vessels sa mga barangay sa mga pulo o isla.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.