Kusina ng Kalinga Inilunsad, “Hunger Ends, Where Caring Begins”

Mga Kooperatiba sa Lalawigan Sumailalim sa Credit Information System Training
June 1, 2017
Tulong Pinansiyal sa mga Apektado ng Lindol , Patuloy na Ipinamahagi
June 1, 2017

June 1, 2017

Nilagdaan ng mga kinatawan ng Gawad Kalinga at Republic Cement, kasama ang mga opisyal ng Lalawigan ng Batangas, Bayan ng Taysan at Department of Education ang isang Memorandum of Agreement and Stakeholder Engagement para sa programang Kusina ng Kalinga sa Taysan noong ika-30 ng Mayo 2017.

Layunin ng Kusina ng Kalinga na mapabuti ang kalusugan ng mga mag-aaral sa naturang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng healthy meals sa kanilang mga eskwelahan.

Ang paglagda ay pinamunuan ni Batangas Governor Hermilando Mandanas para sa Lalawigan ng Batangas, Mayor Grande Gutierrez ng Taysan, Gawad Kalinga Movement Building Head Jose Emilio Oquiñena, Republic Cement Building Materials Inc. President Renato Sunico at mga kinatawan ng Department of Education -Batangas.

Nakasentro ang Kusina ng Kalinga sa apat na paaralan sa nasabing bayan na nagtala ng malaking porsyento ng malnutrisyon sa mga estudyante nito na nagmumula sa mga malalayong barangay.

Ang mga ito ay ang Taysan Central School, Pag-Asa Elementary School, Bilogo Elementary School at Mapulo Elementary School.

Ayon sa mga kinatawan ng Gawad Kalinga at Republic Cement, naisagawa ng kanilang pagtutulungan ang pagtatayo ng isang makabagong central kitchen, na kayang makapagluto ng may 750 healthy meals para sa mga mag-aaral na mula sa Kindergarden hanggang Grade 3 ng nasabing apat na paaralan para sa academic year 2017 hanggang taong 2018.

Sa mensaheng ipinaabot ni Governor Dodo Mandanas, bukas ang kanyang tanggapan sa paghahatid ng tulong sa anumang pangangailangan para sa programa.

Ayon sa Gobernador, bukod sa pagbibigay ayuda sa mga feeding program sa lalawigan, nakahanay din sa kanyang programa ang pagbibigay ng educational scholarship, pagtatayo ng mga nutrition centers at farm nurseries para sa mga high value crops.

Makakaasa umano ang mga stakeholders ng programa na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng kakayahan nito upang masiguro na ang mga programang ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan ay inclusive, sustainable at wholistic para sa tuloy –tuloy na pag-usad ng mga nasabing proyekto./ Edwin V. Zabarte-BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.