Konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center, Aarangkada na

Courtesy Call ng mga Pungulo ng Barangay ng San Pascual, Ginanap
August 9, 2018
Graduation Ceremony ng Farmers’ Field School for Good Agricultural Practices ginanap sa Batangas Provincial Agri
August 9, 2018

August 9, 2018

Pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang Pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center sa pamamagitan ng isang Ground Breaking Ceremony noong ika-8 ng Agosto 2018. Ang okasyon ay sinaksihan ng pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Engineer’s Office na siyang pangunahing tagpagsulong ng proyekto, kasama ang iba pamunuang Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan. / Batangas PIO Capitol Photo: Karl Ambida/Eric Arellano

Batangas City- Pormal ng sinimulan ang pagpapagawa o konstruksyon ng Batangas Capitol Evacuation Center sa pamamagitan ng isang Ground Breaking Ceremony noong ika-8 ng Agosto 2018.

Pinangunahan ni Governor Dodo Mandanas ang okasyon kasama ang pamunuan ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang mga kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Engineer’s Office at iba pang mga tanggapan sa Kapitolyo.

Ang Batangas Evacuation Center, na tinatayang may sukat na tatlong libo metro kudrado (3,000 sqm), ay may kakayahang tumanggap ng 3,000 libong katao sa oras na magkaroon ng malawakang pinsala dulot ng disaster sa lalawigan.

Bukod sa pagiging evacuation center, maaari rin itong magsilbing covered park, at assembly and recreation activity area ang nasabing pasilidad kapag ito ay hindi ginagamit bilang evacuation center.

Nilinaw din ni Provincial Engineer Gilbert Gatdula, sa pagtatayo ng covered park-evacuation center, mahigpit ang tagubilin ng gobernador na gawing environment-friendly ang proyekto, at dahil dito, ipinagbilin nito na walang puno ang mapuputol sa konstruksyon at komplesyon ng naturang proyekto.

Ang nasabing pasilidad, na tinatayang aabutin ng halagang P60M, inaasahang matatapos sa Disyembre 2018 at mabubuksan sa publiko sa Marso ng 2019.

Bukod sa mga gamit na mahalaga sa operasyon ng isang evacuation center, kabilang sa mga ilalagay sa loob ng pasilidad ang LED walls na magagamit bilang indoor entertainment para sa publiko at heavy duty general purpose generator na handang magbigay ng emergency electrical power sa buong Kapitolyo. – Edwin V. Zabarte Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.