Kauna-unahang Specially Designed Quarantine Facility for Inmates, Bubuksan na sa Batangas

Food Security at Sustainability sa Gitna ng COVID-19 Crisis, Tinitiyak ng OPAg
May 6, 2020
Help Accompanied by Globe Telecom
May 8, 2020

May 6, 2020

Sa pag-uutos ni Governor DoDo Mandanas, designated na ng Lalawigan ng Batangas ang isang natatanging Quarantine Facility para sa mga inmates na suspect ng COVID-19. Ito ay bilang pagtalima ng lalawigan sa tagubilin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtalaga ng quarantine area na siyang pangangasiwaan ng Department of Health (DOH).

Sa gitna ng banta ng COVID-19, binibigyan ng Batangas ng lubos na kahalagahan ang kalusugan ng lahat, pati na ang mga nasa loob ng bilangguan. Alam ng lahat ang kalagayan sa loob ng mga bilangguan, na kapag nagsimula na magkaroon ng positive case ang isang bilanggo, ay madali at mabilis itong kakalat. Kahit hindi pa ito nararanasan sa Provincial Jail ng Batangas dahil sa magaling na pamamalakad ng Warden at ng mga kasamahan niya, ay tunay na kailangan na maghanda.

Sa pagpapatuloy ng pagsasaayos nito ay sinimulan na rin ang paglalagay ng mga pang-indibidwal na palikuran, partisyon, karagdagang security fences at secured cells, patubig, at elektrisidad. Nasa mahigit kumulang 200 inmates with suspected COVID-19 ang maaaring umukopa sa inihahandang facility. Inaasahang mailipat ito sa kustodiya at pangangasiwa ng DOH sa susunod na linggo, at magiging kauna-unahang Specially Designed Quarantine Facility for Inmates sa buong Pilipinas.

Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.