Kapitolyo, Nakiisa sa 2021 International Day of Conservation of Mangrove Ecosystem

Provincial Agri Office Naghatid ng Pagsasanay sa Batangas Rural Improvement Club
July 31, 2021
Mangrove Assessment, Survey Nakatakdang Gawin ng PGENRO, Private Sector Partners
August 1, 2021

August 1, 2021

Nakiisa ang mga kawani ng Provincial Government Environment and Natural Resources (PGENRO) at Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pagdiriwang ng International Day of Conservation of Mangrove Ecosystem noong ika-26 ng Hulyo 2021 sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga mangrove propagules o seedlings sa Barangay Nagsaulay, San Juan, Batangas.

Ang International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem, na pinagtibay sa General Conference ng UNESCO noong taong 2015 at ipinagdiriwang taon-taon tuwing ika 26 ng Hulyo, ay naglalayong maitaas ang kamalayan sa kahalagahan ng mangrove ecosystem bilang “isang natatangi, espesyal at vulnerable na ecosystem” at sa nagtataguyod ng mga solusyon para sa maayos na pamamahala, pangangalaga at paggamit nito.

Kasama rin sa mangrove planting ang mga barangay officials ng Brgy. Nagsaulay, sa pangunguna ni Brgy. Captain Pablito Rosales at Konsehal Lilibeth Goc.

Kabilang sa mga propagules na itinanim ay Pipisik, Dungon at Tagibi na kaloob ng First Gen Corporation, at inaasahang makatutulong sa pagtataguyod ng isang malusog na ecosystem at luntiang kapaligiran sa nasabing lugar.

Pinangunahan naman ng Tanggapan ng Agrikultura, sa pamumuno ni Ginoong Felix Leopango, ang mga empleyado ng San Juan local government unit na lumahok sa pagtatanim.

Ang gawaing ito ay ilan lamang sa mga programa na patuloy na isinasagawa ng PGENRO, sa direktiba ni Gov. DoDo Mandanas, para mapahusay, maprotektahan at mapanatili ang isang malusog, malinis at luntiang kapaligiran sa buong Lalawigan ng Batangas sa kabila ng pandemya.

PG-ENRO – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.