Kapitolyo Nakatanggap ng Ultra-Low Frequency Freezers para sa COVID-19 Vaccines

Bulkang Taal Binaba na sa Alert Level 2, Batangas Provincial Incident Management Team Lagi pa ring Handa
July 28, 2021
Provincial Agri Office Naghatid ng Pagsasanay sa Batangas Rural Improvement Club
July 31, 2021

July 31, 2021

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Governor DoDo Mandanas sa mga non-government organizations, nakatanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng donasyong dalawang Ultra-Low Frequency Freezers na magagamit sa wastong pag-iimbak ng vaccines.

Ang mga freezers ay ipinagkaloob ng Pitmaster Foundation, na kinatawan ng kanilang Executive Director, Atty. Caroline M. Cruz, sa turn-over ceremony na isinagawa sa Provincial Health Office noong ika-26 ng Hulyo 2021.

Nakatakdang ilagay sa storage freezers ang Pfizer at Moderna vaccines. Ang Pfizer ay nangangailangan ng imbakang may -86 degree Celsius na lamig, habang ang Moderna ay dapat nakatago sa -25 degree Celsius ang temperature.

Nagpasalamat naman si Governor DoDo Mandanas sa Pitmaster Foundation sa pag-agapay at pagtulong ng mga ito sa pamahalaang panlalawigan.

Dumalo sa turn-over ceremony sina Dr. Rose Ozaeta, PHO Department Head; Dr. Gerald Alday, Incident Commander ng Batangas Province Inter-Agency Task Force against COVID-19; at Batangas City Vice Mayor Dr. Jun Berberabe.

JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.