Batangueñang Kambal, Summa Cum Laude. Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona, ang kambal na sina Bernise M. Catuncan at Denise M. Catuncan mula Prenza, Lian, Batangas na nagtapos na Summa Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa Batangas State University ARASOF Nasugbu. Kasama sa larawan sina 5th District Board Member Claudette Ambida – Alday, 6th District Board Member Lydio Lopez at ang solo parent na nanay ng kambal na si Gng. Bernardita Catuncan. Photo: Eric Arellano - Batangas Capitol PIO
June 25, 2018
Batangueñang Kambal, Summa Cum Laude. Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas at Vice Gov. Nas Ona, ang kambal na sina Bernise M. Catuncan at Denise M. Catuncan mula Prenza, Lian, Batangas na nagtapos na Summa Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa Batangas State University ARASOF Nasugbu. Kasama sa larawan sina 5th District Board Member Claudette Ambida – Alday, 6th District Board Member Lydio Lopez at ang solo parent na nanay ng kambal na si Gng. Bernardita Catuncan. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, ang kagalingan ng kambal na sina Bernise M. Catuncan at Denise M. Catuncan mula Prenza, Lian, Batangas na nagtapos na Summa Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa Batangas State University ARASOF Nasugbu.
Ginawaran ng Certificates of Recognition at Cash Incentives, na nagkakahalaga ng PhP 10,000 bawat isa, ang kambal nina Gov. Mandanas, Vice Gov. Nas Ona, 5th District Board Member Claudette Ambida – Alday at 6th District Board Member Lydio Lopez sa Provincial Auditorium, Batangas City noong ika – 25 ng Hunyo 2018.
Si Denise ay nagkaroon ng average na 1.22, samantalang si Bernise ay nakakuha ng average na 1.24 upang kilalanin sa kasaysayan ng BSU bilang kauna-unahang kambal na nagtapos na Summa Cum Laude. Bunso sa limang magkakapatid ang kambal na Catuncan, na pinalaki at inaruga ng kanilang solo parent na nanay na si Gng. Bernardita Catuncan na isang part-time Broker.
Sina Denise at Bernise ay kabilang sa libo libong iskolar ng Batangas Province Scholarship Program. Hangad naman ng gobernador na maging Certified Public Accountants ang kambal na sa kasalukuyan ay nagsisimula na ng kanilang review para sa board examinations. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL