Joint Regional at Provincial Women’s Month Celebration, isinagawa sa Batangas Provincial Capitol

7th Urban Fire Olympics, matagumpay na idinaos
April 1, 2019
Youth and Sports, Community Development, at Employment, tampok sa PACD Accomplishments
April 1, 2019

April 1, 2019

Bilang paggunita sa Women’s Month ngayong taon, isinagawa ang Joint Regional at Provincial Women’s Month Celebration, na may temang “We Make Change Work for Women”, noong ika-28 ng Marso 2019 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang nasabing selebrasyon, na dinaluhan ng mga kababaihan mula sa CALABARZON, ay naisakatuparan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na pinamumunuan ni PSWDO Dept. Head Jocelyn Montalbo, at pakikipagtulungan sa Philippine Commission on Women (PCW), Regional Gender and Development Council (RGADC) at Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCB).

Kaugnay dito, nagbigay ng kani-kanilang pagbati at mensahe sina BM Divina Balba, Chairperson ng Committee of Women and Family; Engr. Ladislao Andal, Co-chair ng Regional Development Council (RDC); Atty. Gina Reyes-Mandanas, President ng PWCCB; Luis G. Banua, Regional Director ng RGADC, at iba pang mga panauhin.

Kabilang sa mga naging highlight sa pagdiriwang ang dance exercise na Zumba, poster-making contest, libreng manicure at pedicure para sa mga kababaihan, at ang pagtatanghal sa musikal na “Roselang Bubog”, na nagbibigay pugay kay Marcela Agoncillo, isang natatanging babaeng Pilipino at Batangueña na tanyag bilang lumikha sa pambansang watawat ng Pilipinas, kung saan ipinamalas ang talento ng higit sa 250 iskolar ng Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHSCA).

Ang National Women’s Month ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong ipaalam at hikayatin ang mga kababaihan bilang mga stakeholder ng mga programa at serbisyo ng gobyermo, upang itaguyod ang pamamahalang nakasentro sa mga mamamayan at magkaroon ng pagbabago sa kamalayan ng mga ito para malaman, maunawaan, at maibigay ang mga pangangailangan ng sambayanan; gumawa at mangasiwa ng mga platform upang talakayin ang mga nararapat na gawain sa pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) at mapaigting ang implementasyon ng Magna Carta of Women.

Samantala, malugod na binati ni Gov. DoDo Mandanas ang mga dumalo sa Joint Regional and Provincial Women’s Month Celebration. Aniya, malaki ang ginagampanan ng mga kababaihan sa pagpapaunlad sa lipunan. Dagdag pa rito, binigyang diin ng ama ng lalawigan ang kahalagahan ng pagtataguyod ng gender equality hindi lamang sa Batangas, kundi pati na rin sa buong bansa. – Marinela Jade Maneja, Photo: Eric Arellano, Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.