Intellectual Property Seminar, Dinaluhan ng mga Empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan

Mga Batangueño, Hinihikayat Makiisa Earth Hour 2023 sa Marso 25
March 24, 2023
Invitation to Bid – Infra (April 18, 2023)
March 27, 2023

March 24, 2023

Sa layunin na mas maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng Intellectual Property (IP), isang seminar patungkol dito ang isinagawa sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City ngayong araw, ika-24 ng Marso 2023.

Ang naturang pagsasanay, na dinaluhan ng mga empleyado ng iba’t ibang tanggapan ng Kapitolyo, ay magkabalikat na pinangunahan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) at Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO).

Bahagi ng seminar ang masusing pagtalakay sa promosyon, rehistrasyon, at proteksyon ng mga intelektwal na ari-arian, na malaki ang maitutulong upang mapasigla o mapalago ang ekonomiya, makalikha ng mga bagong trabaho at industriya, at mapahusay ang kalidad ng buhay sa bawat komunidad.

Dagdag pa rito, tutugon din ang ginanap na talakayan sa pagkakaroon ng isang IP-aware at IP-conscious na Local Government Unit, na magpapalawig at magpapalakas pa sa pagbibigay ng kaalaman sa mga mamamayan patungkol sa intellectual property.

Bukod sa ilang mga piling kawani ng pamahalaang panlalawigan, dinaluhan din ang naturang seminar nina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Governor DoDo Mandanas, at PHRMO department head Rhiza B. De Zosa, kasama ang ilang mga Executive Assistants mula sa Office of the Provincial Governor (OPG), at iba pang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at IPOPHL.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.