Ika-18 Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng Koop Batangan, Idinaos sa Kapitolyo

Gov. DoDo, Guest Speaker sa Regional Youth Training Program
August 30, 2022
3rd Quarterly Meeting ng mga Samahan ng Marine Protected Areas at Bantay Dagat sa Batangas Province, Isinagawa
September 1, 2022

September 1, 2022

Aktibong nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa isinagawang 18th Annual General Assembly ng Koop ng mga Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangan Multi-purpose Cooperative (Koop Batangan MPC) noong Biyernes, ika-26 ng Agosto 2022, sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Site, Kumintang Ibaba, Batangas City.

Sa mensahe ni Gov. DoDo Mandanas, ipinaabot niya ang kaniyang pagsuporta sa lahat ng kooperatiba sa lalawigan. Binigyang-diin nito na ang “pagkakaisa” ang diwa ng kooperatiba at tiniyak na walang iwanan at kasama ang lahat sa pagpapatuloy ng maayos at dekalidad na serbisyo para sa mga miyembro.

Samantala, ayon sa Accomplishment Report na ibinahagi ng Audit and Inventory Committee, nakatanggap ng adjectival rating na Very Satisfactory sa Overall Performance Rating ang Koop Batangan, na nangangahulugan na ang kooperatiba ay nagpapakita ng magandang pagpapaganap ng mga programa at proyekto nito, at patuloy na maayos na operasyon.

Ayon naman sa ulat pananalapi, ang dating Total Gross Income ng nasabing kooperatiba sa taong 2020 na ₱5,349,789 ay bahagyang bumaba sa taong 2021 at naging ₱5,292,427. Ito ay sinasabing dulot ng patuloy na umiiral na pandemya.

Ginanap din kinahapunan ang Online Election 2022, kung saan anim na mga miyembro ng Board of Directors ang naihalal. Tinanghal na mga direktor ng Koop Batangan sina Engr. Jun Mendoza ng Provincial Engineering Office, Diosdado Macalintal ng Provincial Assistance for Community Development Office, Javier Delos Reyes ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office, Amadeo Mateo ng Provincial Health Office, Arthur Arada ng Provincial Legal Office, at dating Bokal Benjamin I. Bausas, na nagretirong Provincial Planning and Development Coordinator.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.