I-REAP Subprojects, Malapit nang Matapos

Supplemental Bid Bulletin No. 01 (Project 32) May 16, 2023 Bidding
May 9, 2023
Supplemental / Bid Bulletin No. 1 – Revised TOR for Project 2 (May 25, 2023 Bidding)
May 10, 2023

May 9, 2023

Sa pagtatapos ng taong 2022, natanggap ng Batangas Dairy and Multi-purpose Cooperative (BADACO) at Aga Farmers Multi-purpose Cooperative (AGFAMCO) ang huling tranche ng pondo para sa Investments in Rural Enterprise and Agriculture and Fisheries Productivity (I-REAP) sub-projects na tinatayang matatapos sa taong ito.

Nasa ₱1.5 Milyon ang nakuha ng BADACO para sa kanilang dairy sub-project, na inilaan para sa pagbili ng Polyethylene Bags para sa silage storage, habang patuloy ang pag-install ng built-in milking machine. Ang mga nasabing kagamitan ay bibilhin sa pamamagitan ng community participation scheme.

Bukod dito, bahagi ng proyekto ang paglahok ng mga community-based small animal farmers mula sa Brgy. Tiquiwan, Rosario, Batangas. Nasa 50 dairy animals ang naihatid sa mga ito noong Setyembre 2022, na naghudyat sa puspusang pagpapatupad ng proyekto.

Gayundin, nakakuha ang AGFAMCO ng ₱422,825.87 na gagamitin naman sa pagbili ng mga kagamitan, gaya ng dehulling at depulping machines, vacuum sealer at stainless working table na inaasahang makatutulong sa pagbuhay ng industriya ng kape at panunumbalik ng Kapeng Barako.

Kabilang rin sa mga sub-project na malapit nang matapos ang proposed seaweed nursery ng Batangas Seaweed Farmers Association (BASEFA) kung saan ginamit nila ang ang natirang pondo sa main subproject nito na seaweed production.

Umaasa ang Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) na mas marami pang organisasyon at indibiduwal sa lalawigan ang kanilang matulungan para makabahagi sa ganitong mga programa ng pamahalaang nasyunal na hindi lamang nakatutulong sa mga kooperatiba ngunit maging sa pamayanan.

Ang I-REAP sub-projects ay bahagi ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project na naglalayong maitaas ang kita, produksyon at kompetisyon sa rural areas. — Gian Marco Escamillas –
Batangas Capitol PIO / with reports from Marian Gel Pesigan and photos from PCLEDO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.