Health providers sa Batangas Province, nagtipon sa Kapitolyo

Governor DoDo, Batangas Capitol nakiisa sa pagdiriwang ng 2019 World Ocean Week sa Xiamen, China
November 6, 2019
Alert Level 1 sa Taal Volcano itinaas ng PHIVOLCS
November 8, 2019

November 7, 2019

Implementation ng UHC sa lalawigan, pinangunahan ni Gov. DoDo

Kabilang ang Lalawigan ng Batangas sa mga pinangalanan ng Department of Health (DoH) na 33 pilot implementation sites ng Universal Health Care (UHC) law sa bansa.

Ang UHC o Republic Act (RA) No. 11223, na naging batas noong ika-20 ng Pebrero 2019, ay naglalayong mabigyan ng health coverage ang lahat ng mga Filipino. Sa pamamagitan ng batas, inaasahang magiging mga awtomatikong miyembro ang bawat Filipino ng National Health Insurance Program, na pamamahalaan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Kaugnay nito, nagtipon sa isang pagpupulong ang mga kinatawan ng pampubliko at pribadong sektor ng Healthcare Service Providers sa lalawigan noong ika-6 ng Nobyembre 2019 sa Provincial Cooperative Center, Capitol Site, Batangas City.

Pinangunahan ni Gov. DoDo Mandanas ang pagtitipon, kung saan masusing tinalakay ang Entitlement at Benefits ng National Health Insurance Program.

Aniya, siya ang isa sa mga kauna-unahang nagpahayag ng kagustuhang ipatupad ang UHC sa lalawigan. Kaakibat nito, binigyang-diin ng gobernador ang responsibilidad ng bawat stakeholder na higit pang pagbutihin o pataasin ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa mga government at pribadong ospital at health units.

Patuloy din umano ang mga hakbangin ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Health Office, para sa pagpapalakas ng healthcare services sa publiko sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga kinakailangang equipment at pasilidad, kabilang ang mga kwarto sa mga ospital; pagkuha ng karagdagang health providers, gaya ng nurses at midwives; at pagkakaroon ng sapat na supplies at gamot.

Marinela Jade Maneja – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.