Health Protocols sa mga International Travellers na Papasok sa Lalawigan, Mahigpit na Mamatyagan

SUPPLEMENTAL PROCUREMENT PLAN As of August 9, 2021
September 10, 2021
Pig Dispersal Project sa ASF-Cleared Areas, Sinimulan ng Batangas Capitol
September 10, 2021

September 10, 2021

Masusing isasaalang-alang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang naging desisyon ng National Task Force Against COVID-19 na pag-aalis ng travel ban sa ilang bansang napabilang sa red list o mayroong mataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang teritoryo dahil sa pinangangambahang pagdagsa ng mga international travellers na papasok sa lalawigan.

Simula noong ika-6 ng Setyembre, pinapayagan na ng NTF ang mga biyahero mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri-Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia na makapasok sa Pilipinas, na maaring magdulot ng influx of international and local passengers sa lalawigan dahil sa economic enterprise activities.

Sa isinagawang pagpupulong ng Batangas Inter-Agency Task Force Against COVID-19, madiing ipinagbilin ni Governor DoDo Mandanas ang pagmamatyag at mahigpit na pagpapatupad ng health and quarantine procedures sa mga Pilipino at foreigners na mula sa mga nasabing bansa na papasok sa lalawigan.

Sinabi nito, handang ipatupad ng Batangas ang itatakdang guidelines ng NTF patungkol sa mga international travellers, at handa din umanong pag-aralan at balikan ang mga naunang guidelines na ipinatupad upang masiguro na lahat ng mga international travellers ay nasa wastong kalusugan at dumaan sa itinakdang quarantine procedures bago manatili sa lalawigan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng aksyon at paghahanda upang iwasan ang surge ng highly-contagious na COVID-19 Delta variant.

Ibinahagi rin nito na inabanagan at sinusubaybayan ng mga medical professionals ng lalawigan ang isinasagawang pag-aaral para sa paglalapat ng booster shots o ikatlong bakuna para sa general population na magpapataas pa lalo ng efficacy ng vaccine laban sa mga naglalabasang variants ng new corona virus.

Mahigpit naman nitong pinaalalahanan ang mga Batangueño na huwag agad magpa-booster shots, at sa halip ay hintaying makumpleto muna umano ang itinakdang 2 doses at single dose ng bakuna sa mga nagnanais nito.

Inatasan na rin nito ang Batangas IATF na balangkasin ang pinalakas na hakbang sa COVID response program upang mapigilan ang mabilis na transmisyon ng Delta variant sa lalawigan, pagpapadami ng COVID-19-dedicated beds para sa inaasahang surge sa mga pagamutan sa buong lalawigan, imposisyon ng pagtatayo ng mga Temporary Treatment Medical Facility sa mga lokal na pamahalan na walang dedicated COVID-19 facility, utilisasyon at pagpapalakas ng mga Barangay Health Emergency Response Teams para sa paglaban sa COVID, implementasyon ng strict health protocols sa mga pampubliko at matataong lugar, at pagpapalakas ng testing at contact tracing efforts sa buong lalawigan.

Edwin V. Zabarte – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.