Sama-samang Batangueño thru Sports. Kasama ni Gov. Dodo Mandanas ang delegasyon ng Munisipalidad ng Taysan, sa pangunguna ni Mayor Grande Gutierrez (3rd nakatayo mula kanan), sa grand opening ng 2018 Gov. Dodo Mandanas Inter-LGU Sports Competition noong ika-24 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
October 24, 2018

Pormal na inilunsad ang bakbakan sa palakasan ng mga lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas sa 2018 Gov. Dodo Mandanas Inter-LGU Sports Competition noong ika-24 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.
18 local government units ang lumahok sa Provincial Government of Batangas sports competitions sa taong ito, sa pangunguna ng tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development o PACD na pinamumunuan ni Dr. Amante Moog.
Sa pamamagitan ng mga larong basketball at volleyball, layon ng palaro na mapagkila-kilala at mapalakas ang samahan ng mga kawani ng gobyerno sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa lalawigan sa larangan ng palakasan at pantay na kompetisyon.
Kabilang sa mga nakilahok ang mga munisipalidad ng Balayan, Calaca, Lemery, Lian, Nasugbu, San Pascual, Agoncillo, Cuenca, Mataas na Kahoy, Sto. Tomas, Talisay, Rosario, San Jose, San Juan, Taysan at mga Lungsod ng Tanauan, Lipa at Batangas.
Sa kanyang pagbati, mainit na tinanggap sa Kapitolyo ni Gov. Mandanas ang lahat ng mga lingkod bayang atletang Batangueño; kasabay ng pagbibigay ng update sa mga ito sa pagsulong ng usapin sa Internal Revenue Allotment, kung saan makakatanggap ang bawat pamahalaang lokal ng karagdagang budget, na mas magpapalakas pa sa local autonomy ng mga LGUs. ✎ Marinela Jade Maneja at Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO