Gov. DoDo: Pinakamagandang Kampanya ang Pagganap sa Tungkulin

Invitation to Submit Quotation
April 8, 2022
Invitation to Submit Quotation (Shopping)
April 11, 2022

April 9, 2022

“Ang pagganap sa tungkulin; ito ang pinakamagandang kampanya.”

Ito ang binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas sa kanyang mensahe sa Flag Ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong Lunes, Abril 4, 2022 sa Provincial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ibinahagi ng gobernador na ang mga ginagawang aksyon ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng muling pag-aalburoto ng Bulkang Taal at iba pang mga programa, kaugnay ng napapalapit na Eleksyon 2022.

Ayon kay Gov. Mandanas, hindi dapat bigyan ng kulay politika at ibang pakahulugan ang mga isinasakatuparang mga aktibidad ng Kapitolyo dahil ang mga ito ay kaugnay ng regular nang mga proyekto, at napasabay na lamang sa panahon ng eleksyon.

Dagdag pa nito na hindi ginagamit ng mga lingkod bayan ang kani-kanilang mga puwesto para lamang magkaroon ng kapangyarihan ang mga pulitiko, bagkus ay para makapagbahagi ng tunay na serbisyo publiko.

Ang pagganap sa tungkulin aniya ang pinakamagandang kampanya, habang ang pagganap sa kanilang tungkulin ay paraan din nang pagpapakita nang pagiging maka-Diyos, makatao, makakalikasan at tunay na makabayan ng isang lingkod bayan.

Batid ng gobernador na maraming mga “pasaway” na nagsasabing ang mga programa at proyekto ng pamahalaan ay ginagawa lamang dahil sa papalapit na eleksyon. Pinabulaanan niya ito at sinabing bahagi ng kanilang tungkulin ang gumawa nang magaling, at ang mga gawaing ito ay pangmatagalan at hindi hanggang Mayo 9 lamang.

Matatandaan na si Governor Mandanas ang nanguna sa pagsasampa ng petisyon, na kinatigan ng Korte Suprema, upang mapataas ang kabahagi o magkaroon ng “just share” ang mga pamahalaang lokal sa lahat ng mga national taxes. Sa implementasyon ng tinaguriang Mandanas Ruling ngayong taon, makakatulong ito ng malaki sa mga local government units sa pagtugon sa umiiral pa ring pandemya dulot ng COVID-19.

Vinson-Roi C. De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.