Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang sa Kapitolyo

Linggo ng Kabataan 2022, Matagumpay na Naisagawa sa Kapitolyo
October 28, 2022
2022 Cooperative Month, Ipinagdiwang sa Batangas Capitol
October 29, 2022

October 28, 2022

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Elderly Filipino Week, na may temang “Older Persons: Resilience in Nation Building,” noong ika-28 ng Oktubre 2022 sa Batangas Provincial Auditorium.

Naging tampok sa pagdiriwang, na pinamunuan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pagbibigay ng pagkilala sa 15 na Barangay Presidents ng Senior Citizens Associations na nanungkulan at naglingkod ng mahigit 9 na taon sa kani-kanilang mga bayan.

Nagpakitang gilas din ang mga senior citizens sa Folk Dance Competition, kung saan nagtagisan ng galing ang mga kinatawan mula sa anim na distrito ng Lalawigan ng Batangas sa pagsayaw ng tradisyonal na Subli.

Sa mensahe ni Governor DoDo Mandanas, binigyang-diin niya na tunay na kinikilala at pinapahalagahan ng pamahalaan panlalawigan ang mga pangunahing mamamayan at mga nakatatanda na nagiging halimbawa at nagbubukas ng landas para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Nakiisa sa pagdiriwang sina PSWDO Department Head, Ms. Jocelyn Montalbo, 5th District Senior Board Member at Sangguniang Panlalawigan Chairperson ng Committee on Senior Citizens Claudette Ambida-Alday, at 1st District Board Member Carlo Roman G. Rosales Jr.

Janssen Olimba – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.