Drug Abuse Prevention and Control Week Culminating Activity, Isinagawa sa Kapitolyo

Invitation to Bid (December 6, 2021)
November 19, 2021
Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of October 31, 2021
November 22, 2021

November 19, 2021

25 na mga Bayan at Lungsod sa Lalawigan ng Batangas, Kinilala

SAMA-SAMA KONTRA ILIGAL NA DROGA: Pinarangalan ang Taal Municipal Anti-Drug Abuse Council bilang may pinaka-mataas na functionality points, nang makakuha ito ng perfect score na 100, sa isinagawang culminating activity ng 2021 Drug Abuse Prevention and Control Week na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-19 ng Nobyembre 2021. Personal na tinanggap ni Taal Mayor Fulgencio Mercado, kasama sina Vice Mayor Jovits Albufera at DILG Municipal Local Government Operations Officer Francia Templo, ang iginawad na pagkilala, computer set, at acrylic marker. Nakiisa rin sa programa si Governor DoDo Mandanas at DILG Batangas Provincial Director Abigail Nacion-Andres. ✎Mark Jonathan M. Macaraig /Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Simple ngunit makabuluhan ang isinagawang culminating activity para sa pag-obserba ng 2021 Drug Abuse Prevention and Control Week na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-19 ng Nobyembre 2021.

Pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) ang nasabing aktibidad, na personal na dinaluhan ng ilang kalahok, samantalang ang iba naman ay pamamagitan ng audio visual teleconferencing.

Nakiisa sa hybrid program sina Governor DoDo Mandanas, Chairperson ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Batangas Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Abigail Nacion-Andres, PACD department head at PADAC Technical Working Group Chairperson Fredesvinda Mendoza, kasama ang ilang mga Local Chief Executives ng probinsya, City and Municipal Local Government Operations Office representatives, City and Municipal Drug Abuse Council members, at mga kasaping miyembro ng PADAC.

Tampok sa ginanap na pagtitipon, na may temang “Share Facts on Drugs, Saves Lives,” ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng paglaban sa mga disinformation at fake news tungkol sa kampanya kontra illegal drugs. Sang-ayon rin sa nasabing tema, layunin nito na maiwasan ang mga fake news na nagkakaroon ng negatibong epekto sa programa, madagdagan ang wastong kaalaman ng taong-bayan para hindi malinlang ng mga maling impormasyon tungkol sa iligal na droga, at mas makatulong upang makaiwas ang mas marami sa tukso ng drug use.

Sumentro rin ang culminating activity sa pagkilala sa 25 na City at Municipal Anti-Drug Abuse Councils na nagkamit ng mataas na mga functionality points, sang-ayon sa isinagawang 2019 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit ng DILG.

Pinarangalan ang Taal Municipal ADAC bilang may pinakamataas na functionality points nang makakuha ito ng perfect score na 100. Personal na tinanggap ni Taal Mayor Fulgencio Mercado, kasama sina Vice Mayor Jovits Albufera at DILG Municipal Local Government Operations Officer Francia Templo, ang iginawad na pagkilala. Hinirang naman bilang Top 2 at 3 ang mga Bayan ng San Jose at Lemery, na pawang nagkamit ng 95 high functionality points.

Para sa ika-apat hanggang ika-dalawampu’t limang ADACs na pasok sa rating na High Functional at Moderate Functional, kinabilangan ito ng Alitagtag, San Juan, San Pascual, Lobo, Calaca, Tuy, Taysan, Balete, Calatagan, Bauan, Rosario, Mabini, Balayan, Sta. Teresita, Lipa City, Tanauan City, Talisay, Padre Garcia, Cuenca, Ibaan, Nasugbu, at Tingloy.

Ang Top 3 Performing Municipal ADACs ay nagkamit ng computer set at acrylic marker, habang ang mga kabilang sa 4th hanggang 25th rank na City at Municipal ADACs ay nagkamit bawat isa ng computer set.
Samantala, sa ibinigay na mensahe ni Governor Mandanas, ipinunto nito ang kahalagahan ng bawat isang nagsusulong upang masugpo ang paggamit ng iligal na droga. “Itinatanyag natin ang ating mga kinikilala ngayon, sa ating pagdiriwang, upang magkaroon tayo ng isang magandang buhay, tunay na magiting na lalawigan,” saad ng gobernador.

Bukod dito, binigyang-diin din ng gobernador na mas matindi aniya ang kinakaharap na laban ng bansa kontra droga kung ikukumpara sa pagharap sa mga pagsubok na dala ng COVID-19. Ayon kay Governor Mandanas, mahalaga ang maayos na pamumuno sa pagsugpo ng illegal drug use dahil magreresulta umano ito sa pagkakaroon ng malusog na mga mamamayan, magandang pamamahala, at ligtas na mga komunidad.

Ang selebrasyon sa buong Pilipinas ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 124, dated November 26, 2001 kung saan ang ikatlong linggo ng buwan ng Nobyembre ay idineklarang DAPC Week upang maisulong ang kaalaman ng publiko sa mga masasamang epekto ng paggamit ng iligal na droga, at upang hikayatin ang kooperasyon ng bawat mamamayan sa mga isinasagawang anti-drug campaigns.

Mark Jonathan M. Macaraig / Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.