Documentation of the Human Rights Situation of Persons with Disabilities, Isinagawa

Batangas Tourism Media Circle, binuo ng Kapitolyo para sa local media practitioners
March 27, 2019
PDRRMO Department Head ng Batangas Province, kumpirmado na
March 27, 2019

March 27, 2019

Sa pakikipag-ugnayan ng Commission on Human Rights (CHR) at Provincial Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, nagsagawa ng isang documentation ang mga kinatawan ng CHR upang makita ang katatayuan at masukat ang libel ng organisasyon ng mga sa Persons with Disability (PWDs) sa Lalawigan ng Batangas na ginanap sa PG-ENRO Bldg., Capitol Site, Batangas City noong ika-27 ng Marso 2019.

Isa sa hangarin ng Mandanas Administration ang pantay pantay na pakikutungo sa mga mamamayan nito alinsunod sa HELP o Health, Education, Livelihood and Protection of Life, Property and Environment Program.

Ang isinagawang pagpupulong sa Batangas Province ang kauna-unahang isinagawang aktibidad ng CHR upang matukoy ang mga kakulangan at pangangailangan ng PWDs sa bansa. Hangad din nito na mabigyan ang mga PWDs ng sapat na suporta at pagpapatibay ng kanilang mga karapatan kung saan dinaluhan ang pagpupulong ng 40 na kalahok, kabilang ang mga PWDs mula sa iba’t ibang bayan at mga magulang ng mga PWDs.

Pinangunahan ni Victor Joseph H. Obanil, Development Management Officer II; Klarise B. Espinosa, Assistant Chief; at, Atty. Mila Punzalan, Attorney IV ng CHR, ang naturang programa at tumayong panauhin at pangunahing tagapagsalita si Governor DoDo I. Mandanas na nagbigay pahayag para sa pagbibigay suporta sa mga kababayan nating PWDs.

Ilan sa mga naging paksa ng pagpupulong ay ang pagkuha ng baseline data tungkol sa mga pangangailangan sa kalusugan, pabahay, pagkain at inumin; social security upang mas matugunan ang pangangailangan sa trabaho; social insurance, kung saan nagkakaroon ng pantay pantay na natatanggap ang mga tao; social welfare, kung saan tinutulungan ng pamahalaan ang mga marginalized na tao na nasasakupan nito; at, social safety, kung saan tumutulong ang pamahalaan sa mga panahong may sakuna at kalamidad.

Binigyang-diin din sa naturang pagpupulong ang kahalagahan ng social protection floor ng International Economic, Social, and Cultural Rights (iESCR) kung saan ang bawat miyembro nito ay mabigyan ng medical care, sickness benefit, unemployment benefit, old age benefit, employement injury, family and child support, maternity benefit at disability benefit na kung saan makatutulong sa karapatang pantao.

Sa panayam kay Mr. Edwin De Villa, Batangas PDAO Head, isinaad nito na, sa tulong ng CHR at Pamahalaang Panlalawigan, matutulungan ang mga PWDs na may iba’t ibang pangangailangan upang mas mabigyan ng gabay at matugunan ang mga pangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang rekomendasyon at komento na makatutulong maunawaan na kailangan ng ating iba pang kababayan. ✎ Louise N. Mangilin – Batangas Capitol PIO | Photo by: MaccVenn Ocampo & Eric Arellano.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.