Core Values at Sexual Harassment sa Trabaho, Tinalakay sa mga Kawani ng Batangas Capitol

160 Batangueño Seasonal Farm Workers, Nakatakda nang Lumipad Tungong South Korea
April 23, 2022
Crown of Thorns Outbreak, Binabantayan sa Batangas Coastal Areas
April 24, 2022

April 23, 2022

Naging matagumpay ang isinagawang Orientation Seminar para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas tungkol sa Core Values Policy Guidelines at Sexual Harrassment in the Workplace noong ika-20 ng Abril 2022 sa Salvador H. Laurel, Session Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat tanggapan ng provincial government para isalamin sa kani-kanilang opisina at kapwa kawani ang mga naibahagi tungkol sa mga nabanggit na paksa.

Tinalakay ni Ms. Juvy T. Hernandez, Human Resource Management Officer III ng PHRMO, ang Sexual Harrassment in the Workplace, kabilang ang iba’t ibang mga batas at penalty na nasasaklaw nito, habang ibinahagi naman ni Ms Glenda G. Papio, Human Resource Management Officer IV, ang tungkol sa Core Values Policy Guideline ng Kapitolyo ng Batangas.

Ayon kay Hernandez, mahalagang madagdagan ang kamalayan ng mga empleyado tungkol sa mga kaso ng sexual harassment sa lugar ng trabaho, online at mga pampublikong lugar, at mga paraan para mahadlangan ang mga ganitong pangyayari, sang-ayon sa Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law). Sa pamamagitan ng Civil Service Commission Resolution No. 2100064 at Memorandum Circular No. 11 s. 2021, maaaring magsampa ng mga kasong administratibo kung may mga pangyayaring sexual harassment sa mga ahensya ng pamahalaan.

Binigyang-diin naman ni Papio ang mga alituntunin para ang mga empleyado ng Kapitolyo, bilang mga lingkod bayan, ay kumilos ng karapat-dapat, may responsibilidad, nagtatrabaho ng maayos at may transparency at pananagutan.

Nagpasalamat si PHRMO Department Head, Ms. Rhiza De Zosa, sa pagdalo ng mga kawani sa nasabing face-to-face orientation, na naglalayong maibahagi ang mabuting pag-uugali hindi lamang sa pagganap sa mga opisyal na tungkulin, kung hindi maging sa mga personal o pribadong pakikitungo sa ibang tao.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.