Contact Tracers Training Isinagawa sa Batangas Capitol

Invitation to Bid (Nov. 3, 2020)
October 14, 2020
Karagdagang Medical Professionals Kinakailangan ng Batangas Laban sa COVID-19
October 17, 2020

October 17, 2020

Bilang bahagi ng kampanya laban sa COVID-19, isinigawa ang dalawang araw na oryentasyon ng mga contact tracers para sa Lalawigan ng Batangas noong ika-8 hanggang 9 ng Oktubre 2020 sa DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Ginoong Joel B. Gaona, Local Government Operations Officer II ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas Province, ibinahagi nito na nasa 400 contact tracers ang sumailalim sa pagsasanay na isinagawa ng mga kawani ng DILG, Department of Health at Philippine National Police.

Dagdag ni Gaona, walong daang contact tracers ang kailangan para sa buong probinsya, na idedestino sa iba’t ibang lungsod at bayan. Bukas pa rin ang “contact-less” na aplikasyon hanggang Oktubre 18, 2020, na maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagbisita sa Facebook Account ng DILG Batangas.

Ilan sa mga kwalipikasyong hinanap para maging contact tracer ang pagiging tapos ng allied medical courses o Criminology; at may kakayahang magsagawa ng data gathering, research at documentation. Binibigyan din ng pagkakataon ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ang mga mapipiling contact tracers ay magiging mga job order staff ng gobyerno, na may kontrata hanggang katapusan ng Disyembr 2020, at makatatanggap ng buwanang sahod na katumbas ng Salary Grade 9 para sa mga government employees o mahigit ₱18,000. Makakatanggap din sila ng communication at travel allowance, Personal Protective Equipment (PPE) at vitamins.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.