COA – Prov’l. Satellite Office Groundbreaking Ceremony, Isinagawa

3rd Livestock and Poultry Haulers’ Forum, idinaos sa Kapitolyo
April 23, 2019
Konstruksiyon ng kauna-unahang pagawaan ng steel beams sa bansa, sisimulan na sa Lemery, Batangas
April 23, 2019

April 23, 2019

Nakiisa si Batangas Gov. DoDo Mandanas sa isinagawang Groundbreaking Ceremony para sa magiging bagong tanggapan ng Commission on Audit (COA) Region IV-A – Provincial Satellite Auditing Office (PSAO) noong ika-23 ng Abril 2019 sa Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City.

Ayon kay Gov. Mandanas, isang malaking karangalan para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang maging katuwang ng COA sa pagpapatayo ng satellite office nito sa Lalawigan ng Batangas. Malapit aniya siya sa COA sapagkat ang propesyon niya ay Certified Public Accountant (CPA) at ang una niyang naging trabaho ay ang pagiging Auditor.

Binigyang-diin pa ni Gov. Mandanas na kaagapay ng COA ang Lalawigan ng Batangas para sa kung anumang kakailanganin nila upang maging maayos at maganda ang magiging pagseserbisyo nito sa publiko.

Sa mensahe ni COA Chairperson Michael Aguinaldo, ang bagong gusali na itatayo sa Batangas ay ikalawang Provincial Satellite sa Region IV-A. Lubos ang pasasalamat ng COA Chairperson sa tulong at suporta ng Batangas Provincial Government at Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. Mandanas. Dagdag pa niya, si Gov. Mandanas ang “the best Chairman, the Commission on Audit ever had.”

Kabilang sa mga naging bisita sa okasyon sina Mrs. Elena Luarca, Supervising Auditor; Mrs. Maria Oliva Ortega, Asst. Regional Director IV-A; at, Engr. Joel Limpengco ng Department of Public Works and Highways – Batangas 1st District Engineering Office. JunJun De Chavez/ Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.