Children’s Inter-District Competition, isinagawa sa Kapitolyo

Alert Level 1 sa Taal Volcano itinaas ng PHIVOLCS
November 8, 2019
2nd at 3rd Quarter Accomplishment ng PPDO, itinampok
November 13, 2019

November 11, 2019

Nagtagisan ng talento at galing ang mga Batangueño bulilit sa mga patimpalak na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), noong ika-11 ng Nobyembre 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Ang Children’s Inter-District Competition ay ginanap kaugnay ng pagdiriwang ng Children’s Month sa Lalawigan ng Batangas, na may temang “Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan.”

Nagkaroon ng tunggalian sa Balagtasan at Draw and Tell, na may tig-limang kalahok mula sa limang distrito ng Department of Education (DepEd) sa lalawigan. Sa Balagtasan, ipinamalas ng mga batang kasali ang kaalaman sa pagdedebate, samantalang sa Draw and Tell, iginuhit ng mga bata ang kanilang mahahalagang gampanin at ipinaliwanag kung ano ang mga ito.

Sa November 19, 2019 iaanunsyo ang mga nagwagi sa patimpalak, kasabay ng culminating activities ng Buwang ng mga Kabataan, kung saan magsisilbing host ang Department of Social Welfare and Development ¬- Calabarzon.

Kasama si Mrs. Jocelyn Montalbo, PSWDO Department Head, nakiisa sa mga aktibidad si 2nd District Board Member Carlo Roman “Junjun” Rosales, na Chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Social Welfare and Development.

BatangasPIO/ Junjun Hara De Chavez
Photo/ Maccvenn Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.