Blood-letting sa Camp Miguel Malvar, Bumida ang mga Pulis Batangas

Gov. Dodo: Tuloy ang Laban para sa Maayos na Implementasyon ng Mandanas Ruling
June 21, 2022
Bago at Modernong Passenger Terminal sa Batangas Port, Pinasinayaan Na
June 21, 2022

June 20, 2022

Ipinagpatuloy ng Batangas Blood Council ang pagsasagawa ng Blood-letting activity bilang bahagi ng selebrasyon ng World Blood Donor Day sa Batangas Provincial Police Office, Camp Miguel Malvar, Kumintang Ibaba, Batangas City noong ika-17 ng Hunyo 2022.

Umabot sa 213 bags ng dugo ang nakolekta mula sa mga miyembro ng kapulisan ng iba’t ibang police offices sa lalawigan, at volunteer donors ng ilang mga organisasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa lahat ng mga naglaan ng oras upang maging bahagi ng tuloy-tuloy na adbokasiya upang magkaroon ng karagdagang suplay ng dugo ang probinsya, na magagamit sa mga pangangailangang medikal.

Itinuturing ng gobernador na mga tunay na bayani ang bawat blood donor na boluntaryong nag-aalay ng bahagi ng kanilang buhay, makatulong lamang aniya sa kapwa at mga posibleng mangangailangan ng dugo.

Ang Batangas Blood Council ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office, katuwang ang Department of Health – Center for Health Development CALABARZON, PNP Batangas, Red Cross – Batangas Chapter, Batangas Medical Center, Alagang Kapatid Foundation, Inc., at iba pang mga pribado at pampublikong organisasyon.

Millicent Ramos – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.