BHW, BNS, CDW Annual Meeting Ginanap sa Kapitolyo

Batangas LGBTQIA+ Community, Nakipagtalakayan sa Sangguniang Panlalawigan
November 26, 2021
Samahan ng mga Duktor, Nangangamba sa Pagdagsa ng Kabataan sa mga Malls, Pampublikong Lugar
November 27, 2021

November 27, 2021

Batangas Kalusugan Project ng Pamahalaang Panlalawigan, Anak Kalusugan Nilagdaan

Pinangunahan ng Provincial Health Office ang Annual Meeting ng Municipal at City Presidents ng Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholar (BNS) at Child Development Workers (CDW) ng mga bayan at lungsod ng Lalawigan ng Batangas noong ika-22 ng Nobyembre 2021 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Kasabay nito, isinagawa ang distribusyon ng health insurance membership cards ng mga barangay volunteer workers, na mga aktibong kabalikat ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkalusugan, partikular ngayong panahon ng pandemya.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor DoDo Mandanas kung gaano kahalaga ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan, edukasyon at livelihood upang maitaas ang antas ng buhay sa buong lalawigan, at maging halimbawa at inspirasyon ang mga Batangueño ng mga kapwa Pilipino.

Inilahad din ni Governor Mandanas ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa kalusugan ng mga mamamayan kaya patuloy ang pagsusulong ng iba’t ibang programa, mula sa pag-iwas sa sakit hanggang sa paggamot sa mga may karamdaman.

Kabilang dito ang pakikipagtipan sa Anak-Kalusugan Party-list, na naging kabalikat ng pamahalaang panlalawigan para sa implementasyon at pagpapalawig ng health services sa lalawigan, matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement si Governor DoDo Mandanas, na siyang kumakatawan sa Batangas Provincial Health Board, kasama sina Mr. Ray Florence Reyes, na kumakatawan sa Anak Kalusugan Partylist, at party-list nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas.

Nakapaloob sa MOA ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa pagpapatupad ng Batangas Kalusugan Project, kung saan magkakaroon ng Kalusugan Health Card na ibibigay sa mga karapat-dapat na mga benipisyaryo na maaaring makapagpagamot ng libre sa mga government hospitals at iba pang accredited medical at health facilities. Kabilang sa mga libreng medical services ang professional fees ng mga duktor, laboratory fees, at paggamit ng hospital room at iba pang mga pasilidad.

Nakiisa rin sa pagtitipon sina Chief of Staff at Provincial Information Officer Maria Isabel Bejasa, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Joy Montalbo, Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office chief Celia Atienza, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Joselito Castro, Provincial Health Office Asst. Department Head, Dr. Rosalie Masangkay, at PSWDO Asst. Dept. Head Flor Lachica.

Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.